Tuesday, December 16, 2008

Biglaang Senti.

Gapang na ako sa paghahabol ng grades sa school.. wala naman ako ibang matakbuhan para IYAKAN kundi ako lang rin.. kaya nga siguro naturingan akong EMO-BOY sa batch namin.. medyo emotional kasi ako pagdating sa ilang bagay.. lalo na dun sa mga pinaninindigan ko.. tulad ng studies.. nakatatak na kase sakin na mahilig DAW ako magaral..

kaya tuloy mga kaibigan ko, nagtatampo na.. hindi ko lam kung pano magbalanse sa mga bagay..

ewan ko rin ha.. pero., tama kaya tong course na napili ko? sa tingin ko ba may makakarinig nitong tanong na to? meaning…. ako din ang makakasagot..

haaai.. hirap pala ng accounting course.. HINDI NGA PALA TALAGA BIRO..

lam nyo ba ung kasabhan na: “pag may gusto kang isang bagay, dapat, hindi mo lang gusto, dapat kaya mo rin..”

diba diba.. totoo un diba? haai.. lam mo ba, gusto ko naman tlga maging accountant balang araw.. ung CPA ba.. kase grade six pa lang ako,,. alam ko madami pera dun.. and i want to spend the rest of my life na naiibigay ko sa mga future children ko ung gusto nila.. at saka.. wala silang alalahanin sa buhay..

masasabi kong , yun lang naman ang dream ko.. to have my own family and provide them everything they need.. ung tipong, hindi na sila masyado mahihirapan kasi may pinamana na akong pera.. aun.. hehe..

o hala.. sabi nila.. baka maging nobela na daw ang blog ko.. kaya eto na lang siguro muna.. sa susunod na lng ulet..

ingat sa lahat..