Thursday, October 30, 2008

Session with 08s, the so-called Meeting

Date: October 17, 2008

Place: (Part 1) Camille’s Residence

Dumating na sa buhay naming Batch 2008 ng OLAA ang kauna-unahang sembreak sa college life namin. Kaya naman ang bawat isa sa 'min ay excited na magkita-kita ulet para makapagkwentuhan. Napagkasunduan na magkakaroon ng isang outing para magkasayahan ang lahat.

Part 1. Isang drinking session bago ang class reunion…

Hapon ng October 17 nang nagkausap ang magkakabarkada na magkaroon ng isang meeting para sa gagawing outing kinabukasan. Kaya naman agad na nagpunta ang iba para malaman ang mapag-uusapan.

Kasama ko sa pagpunta sa bahay nila ay si Regine, pero pagdating namin dun, si Jea, Arvhie at Camille pa lang ang nandun. Sabi nila, nagdodota daw muna ung iba habang naghihintay, hanggang sa dumating sina Mary at Patrick. Maya-maya, naisip namin na total wala pa naman ang iba, lalabas din muna kami para makapaglaro din ng Dota. Habang naglalakad, nakasalubong namin sina Grace at Mitz, papunta rin daw sila kina Camz. Hindi na kami masyado nakapagkwentuhan masyado kaya pumunta na kami sa Jeapels.

Sa Jeapels naman, nakita namin si Kathlene kasama ang kapatid nya, sabi nya hihintayin pa daw niya si Rain dahil susunduin sya dun. Kami naman ni Redge, naglaro na kami ng Dota, pero pagkatapos ng laban namin ng 1-on-1, hinamon kami ng kapatid ni Sotto ng isa pang laban, unfortunately, dalawa na nga kami, talo pa rin (haha..!). Hindi namin namalayan, nakadalawang oras na pala kaming naglalaro, kaya naman, nagmadali na kaming bumalik ulit kina Camz.

Pagdating namin dun, kelangan na pala umuwi ni Redge kasi gumagabi na, buti na lang nakahanap sya ng makakasama. Pagpasok ko sa loob, nagsimula na pala ang “meeting” – isang meeting na nahantong sa inuman… Kadalasan na nangyayari sa barkada na pag nagkakaramihan sa isang panahon, nagkakatuwaan na magkainuman habang nakikinig sa music lalo na ang mga RnBs kaya hindi na ako nagulat.

Hindi ko akalain na ganun pala kami karami. Nandun sina Archie, Erik, Djay, Sotto, Jea, Arvhie, sumunod din maya-maya si Louies. Andun din si Mitz pero hindi sya uminom at hindi rin nagtagal kasi gabi na masyado. Si Thea din, na sumama saken maghapunan ng siopao. Dumating din si Lucky, pati na si Patz at Ace. Kasama din ang laging bumubuo sa ming lahat na si Rain. Pati na ang mahilig tumawang si Bonn, pati si Ped. Andun din sina Tabor, Libardo at Fred. Nakita ko rin si GJ. Dumaan din si Alexz, pati si Redge, at si Kathlene din na napakalambing. At syempre si Grace, ang reyna ng inuman, (hehe..!) na hindi nagpigil sa paginom kaya naman tinopak na naman. At siyempre si Mary at si Camz.

Nitong time na to, dumating din from Lucena si Mea, kase pinilit ko syang sumama sa outing the day after that. Kaya pumunta ako sa may Janken para salubungin siya. Medyo nakapagkwentuhan lang kami ng konti, kaze gabi na. Medyo pagod pa nga sya kasi kakagaling lang sa practice taz uwi agad. Nung dumating na ung tatay nya, nagbye na ako at sabi ko sumama sya kinabukasan. Tapos bumalik na ulit ako sa bahay nila Camz para makisaya.

Nahuli man kami ng konti, at naabutan ko nga na may mga nakahiga na dahil sa hilo, at may isang nagwawala na – si camz lang ang nakapagpahinahon, may natira pa naming Brandy para sa mga di pa tinatamaan masyado at sa mga bagong dating. Marami ring napagkwentuhan ang lahat at siyempre ang mga balak para sa outing.

Wala sana itong session na to kung hindi dahil kay Camz. Pinili nya na magpaiwan dito, para sa mga gusto syang makasama at para rin makita niya si Mary. Sobrang pagod nitong babaeng to, bawat may nabili, kelangan nyang itigil ang ginagawa niya para lang dun. Hindi na nga ata sya nakakain ng hapunan sa sobrang asikaso. Siya rin ang nagtimpla ng mga kape ng mga nahihilo at sa mga may gusto. Siya pa ang magaasikaso kapag may nahihilo. Hirap man si Camz pero, hindi sya tumitigil o nagrereklamo man lang. Basta tumahimik lang daw kami kasi may mga tao pa sa kabilang bahay na natutulog na. Sabi ko nga, ang laking kaibahan ng mangyayari kung wala si Camz.

Bago pa mag-alas dose ng gabi, may mga nakitulog na rin sa bahay nila Camz. Umuwi na rin ang iba para makapahinga muna bago ang outing bukas kasi nga overnyt.

Abangan sa isa pang blog ang mismong nangyari sa reunion ng klase…



“…ang laking kakulangan kung wala si Camz. “



_nix_

Wednesday, October 22, 2008

Me, My Girl and My Buddy.

“I want your bright smiles back, both of you...”, said Me.



Me is a simple and kind guy in nature. He is more of a brainy type than being sports-oriented, he loves to be in groups and he wants his friends to laugh especially when it is because of his crazy jokes. He is considered as one of the “class clowns” in the class. But when it comes to studies, Me is really serious because he has a goal in life that he would like to attain. He always try to balance things, especially in studying and bonding with his friends. But sometimes, he can’t go out with his friends because he choses his family over them always. Me is getting used to this kind of situation. These days, he can bond with his friends, balance his studies and have time with his family.

My Girl is a slightly kikay type who loves texting, you would see her texting most of the time – proves how sweet she is to anyone. She has a great smile that capture every guy’s heart especially Me’s. My Girl is a very caring person, and she would make friends with anyone. She loves also to laugh and bond with her friends, and mostly be the one to start the party. She would be there if someone needs her but only if she can handle it. She is really good in dancing and can perform well in class. Maybe sometimes, you can see her sad, but she knows that she can overcome it by her own. That’s My Girl!

My Buddy, a very gentlemen guy of the batch, he is a very strong person despite many trials in his life. He perform well in class, good in drawing and is a good son. He is a silent-type person in a crowd, but shares himself to others when in small groups. My Buddy is very serious when it comes to love life, studies, and family. He can even break into tears, but he can manage by himself like My Girl does. He is talented in singing and playing the guitar. He may be quiet, but he is sweet and caring to anyone.

For years, me and My Girl became close friends, they can be seen together exchanging ideas and stories about their lives. Me always wants to be there for My Girl, but My Girl have many friends to talk with also, and so Me can’t have much time for My Girl. Sometimes, me will say deep things about their relationship, while My Girl will just treat those things as jokes. Me would say he loves her, but My Girl would answer “as a friend” then laugh…, while Me breaking into pieces.

Until, the time came, during their matured age, being drunk and in an uncontrollable situation, Me told My Girl that everything he said about his love for My Girl were not jokes, that they were all true. 

Suddenly, My Girl was shocked and puzzled. And with confusion, she left Me alone and leave. Me really felt sad of what had happened.

Through thick and thin, My Buddy is the one Me always calls for help, even about their greatest secrets -- they knew each other really well. They are always there for each other. Some nights, they are sharing ideas about life on Me’s house. They will also talk about their past experiences as well as their classmates. Me always supports My Buddy in everything he does, especially when it comes to problems, me is always there for him. My Buddy always let Me become a better person, he would even teach new things for Me, letting me realize that life is not just studying, rather, we should have time to let ourselves be happy. In return, Me will give advices to My Buddy about his love life, studies and family. It is such a give and take pattern. They are became really best of friends.

My Buddy and My Girl were good friends during their high school days. Even now, they are always together almost every week. When they we’re in high school, My Buddy tried to court My Girl, but he failed because My Girl have so many suitors other than him. My Buddy’s attention to My Girl vanished and was given to another girl. My Buddy and the other girl came into a relationship, but when it didn’t work out, they separated. Then after some months, My Buddy’s love for My Girl came back and this time, My Girl realized that he already fell in love with My Buddy. T_T .

My Buddy being in love with My Girl was not really easy for me to accept. Even before My Buddy planned to court My Girl, me wants My Girl to keep away from My Buddy. Me would hide some text messages and anything that will connect the two of them. But, until the time came, Me cannot do anything but to let the his two special persons go ahead. Anyway, Me realized that he is not even an inch of My Buddy’s character, that will make girls like My Girl fell in love with. And realizing that, My Girl will never fall for Me because he is weak and ‘torpe’. For this reasons, he let the two of them go on with their affair.

Hearing those reasons hindered My Buddy’s decision to continue courting My Girl, My Buddy realized that Me was a good friend to him, and that, he will not let go of their friendship just because of a girl.

Time passed by, My Girl started to become sad, he would stop texting some time and think of My Buddy. There are days that Me can’t see the shine of her smile. The same was happening to My Buddy; he became moody and sometimes stare at nothing and thinking of other things. His voice lowers when he speaks.

Me became bothered about the two. He became shy on talking to My Girl for Me knew that he was one of the reasons. He can’t even express himself to My Buddy because My Buddy is sad and absent-minded.

Who’s gonna be happy among me, My Girl, and My Buddy?

Who should let go among the three?

And who is willing to sacrifice and suffer?

With these questions, Me decided to be the one. Me told My Girl how much he loveD her, and how much he cares. He even told My Girl that he can’t give his care and love if she will always be sad. And now, Me is letting go of her to make her happy and see those smile from her face. When Me declared those words, a glimpse of My Girl’s smile flashed on her face. Those brightness from My Girl let Me stand on his decision even knowing that he will be hurt.

He said the same on My Buddy. He also added that, he is missing the Old bestfriend he had before. He is missing those times when My Buddy is asking for advices, sharing jokes, showing perceptions in life and mostly his loud laughs with him. Hearing these statements, My Buddy began to look and say “Thank you TOL” with a smile on his face.

Me was overwhelmed with their reactions. He realized that, Me should not be selfish. Sacrificing doesn’t always result to loneliness; it could also make anyone happier than they are expecting to be.

Time goes by, My Girl and My Buddy became happy being together. My Girl and Me became more closer and sweeter. My Buddy came back to the one Me knows best. And the happiest thing happened with these three, is that their smiles came back on their faces.



Smiles are the signs of everlasting friendship.



“Sacrificing doesn’t always result to loneliness; it could also make anyone happier than they are expecting to be.” :)



Thursday, October 16, 2008

An Experience with Lady of La Naval

Date: October 12, 2008

Place: Sto. Domingo Church, Quezon City



One Sunday, hindi namin alam kung san kami sisimba kasi kaarawan ng ate ko, pero maya maya, nakapagdecide na din kaming sumimba sa Sto. Domingo Church sa QC. Kase balita ko, piesta daw dun, at isa pa, that will be the first time na makasimba ako dun. I am expecting na isang simpleng misa lang ang maaabutan namen. But, at around 6:00 in the evening, pagdaan namen sa Quezon Avenue, nakasara ang road kase may procession. Nagulat talaga ako kase first time ko na makakita ang procession sa manila. And as we approach the street, napilitan na kami bumaba sa isang kanto dahil sa sobrang dami ng sasakyan eh walang parking lot sa paligid.

Sa bungad pa lang ng simbahan ay nandun na ang mga tao sa mga tindahan sa paligid habang hinihintay ang mga santo at ang may Feast Day na birhen. Hindi ko akalain ang dami ng tao, mas marami pa nga ang mga nagbebenta ng mga umiilaw na laruan at mga palamigan, katabi pa ang ambulansya kung sakaling may mga manghimatay o masugatan ay may handang rumesponde. Habang naglalakad kami papunta sa simbahan, narealize ko, “oo nga pala, Maynila nga pala to kaya maraming tao.. hahaha.. :-)”

Pagpasok ko sa loob, 10 times pa pala nung mga tao sa labas ang dami, as in, approximately mga 8000+ ang bilang nila. Pero nagpumilit pa rin kami makapunta sa gitna para hintayin ang birhen. Mga 45 minutes lang naman kami naghintay na nakatayo sa may parteng gitna ng simbahan. Buti na lang nag-shower ako bgo pumunta, hindi muna ako pinawisan, pero 20 mins of waiting, nagsimula ng uminit ang paligid sa pakiramdam ko, at masama pa nito, wala kaming dalang pamaypay man lang, kaya papel ang gamit namen. Hindi pa rin sapat yun para maalis ang ramdam naming init, dahil sa panay na panay na imik ng mga tao, lalo pang uminit. Ganito lang naman kahirap maghintay. Ngunit… napakaimportanteng simbolo dahil sa ito ay imahe ni Mama Mary.

Pero sino nga ba ang hinihintay namin sa loob ng simbahan? At baket nga ba ganun na lang sya dumugin ng mga tao? na para bang tulad sa Nazareno, na halos hindi na makagalaw dahil sa dami ng tao.

Ang pangalan ng image ni Mama Mary na hinihintay namen ay OUR LADY OF THE MOST HOLY ROSARY OF LA NAVAL DE MANILA, this year ang ika-101 anibersaryo nito sa simbahang iyon. Dito pa lang mapatutunayan na dinadayong talaga ng mga tao ang birhen taon-taon para magbigay-pugay sa kanya.

O heto na at dumating na nga ang image ni Mama Mary, at sa pagpasok pa lamang nito, sumigaw na ang lahat ng tao sa loob ng simbahan, habang ang bawat isa sa kanila ay nagwawagayway ng kanilang mga panyo bilang pakita ng malakas na debosyon sa birhen. Kasabay pa nito ang malakas na putukan at fireworks sa labas. Pati na rin ang paghahagis ng mga petals ng rose mula sa itaas ng simbahan. Ang iba pa nga ay nagsitayuan na sa mga pews makita lamang ang birhen. Kinukuhaan ng litrato ang bawat pagdaan ng birhen patungong altar. Samantalang ang iba naman ay halos lumuha sa pagkakita rito, dahil na rin siguro sa pagiging mirakulo ng imahe. Kasabay ng pagpasok ng birhen ang pagtugtog ng brass band mula sa labas at ang pagkanta ng isang malaki at magaling na grupo ng choir ng simbahan.

Siguradong kung ikaw ang nasa lagay ko’y mangingilabot ka sa tuwa na kahit napakaraming kasalanan ng mga taong ito, heto pa rin tayo at hindi tumitigil sa pagmamahal natin sa Diyos pati na kay Mary. Maiisip mo rin na kahit sino pang artista ang itapat sa kanya ay walang-wala kung pagtitili ang paguusapan. Tumaas talaga ang balahibo ko sa sobrang touch sa mga nangyari.

Ang damit ng birhen ay para bang ginto sa kinang. Ang bawat tama ng ilaw sa mukha ng birhen ang lalo pang nagpapakinang sa korona nito sa ulo. Putting puti ang kanyang mukha na napakaaliwalas. Pati ang rosaryong hawak nito ay nangingintab na parang mga binilog na ginto. Ang damit niya’y sadyang kay kinang na may mga pino at nakakasilaw sa ganda. Hawak nito ang kanyang Anak na si Hesus, na singkintab ang damit ng sa kanyang ina. Sa unahan ng birhen ang mga anghel na wari mo’y tumutugtog sa galak.

Nakakapangilabot hindi ba?! Kwento pa lamang ito, at wala sa kalingkingan sa sayang naramdaman ko ng makaexperience ng ganito. Napawi ang pagod ko sa pag-iintay, lalo na ng tumapat ang birhen sa tapat ko. Nakalimutan ko ang mga problema ko sa sandaling iyon, at nakadama ako ng sobrang kaligayahan, na sabi pa nga ng pari sa sermon, ay “glimpse of heaven”. Nakadagdag pa ng saya para sa akin ang pagbibigay-pugay ng bawat tao sa birhen. Sobrang saya nilang pagmasdan na pinapakita nilang, kahit na gaanong hirap pa man ang maranasan nila ay handa nilang gawin para makalapit sa birhen. Ganito din ang naramdaman ko, ngunit sa hirap gumalaw sa aking kinatatayuan, ay wala na akong nagawa kundi ang kunan na lamang ito ng litrato gamit ang cellphone ko. Isa na ata ito sa hindi ko makakalimutan na experience in the religious aspect of my life.

Nakarating na nga sa gitna ang birhen. Lalo pang lumakas ang sigawan ng mga tao, pati na ang pagtugtog ng banda, gayundin ang pagkanta ng koro sa unahan, at lumakas pang lalo ang pagwawagayway ng mga panyo. Maiisip mo talaga na para bang binibigyan ka ng napakalakas na pwersa mula sa puso mo na nanggaling mismo sa birhen. Ganito ang naramdaman ko habang nasa loob ng simbahan. Maya maya pa ay kinanta na ang isang awit para sa Ina, Latin man ang lingwahe ng kanta, isa rito’y ang ORA PRO NOBIS. Pagkakanta pa nga ay tinanggal na ang birhen sa pagkakakabit sa mga anghel upang dalhin sa gitna ng altar.

Sa gitna ng altar ay may inihandang lugar sa gitna upang paglagyan ng Mahal na Birhen. Wala na tilang mas gaganda pa sa mukha ng birhen. Mata pa lamang nito’y nangungusap na. At ng magsimula ng tumaas ang imahe, na gaya ng mga nananalo bilang Grand Star Dreamer. Ngunit higit pa rito ang ipinakita ng tao sa pagbibigay-pugay sa Ina habang itinataas. May mga usok pa mula sa kinatatayuan ng birhen, na nagdagdag pa ng ganda sa kanya. Mawawari mo’y parang buhay ang imahe at nakangiti sa mga tao. At pagkatapos ng pagkakaaangat ay nabuhay ang mga ilaw sa altar. Ganito na lamang kung ipaghanda ng mga tao ang pagdiriwang ng ganitong piesta.

Pagkatapos ng kaunting mga dasal at pasasalamat mula sa kaparian ay tinapos na ang programa. Sumunod na rito ang misa sa alas-siete, kaya’t sumimba na rin kami.

Sa homily ni Father, may mga bagay siyang gustong ipaliwanag sa mga tao. Una na nga rito ay kung bakit nga ba, kelangan pa ng prusisyon, eh ayon nga sa kasabihan, “Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa Simbahan rin ang tuloy..” Kaya nga napapaisip tayo, bakit nga ba ganun. Sinagot ito ng pari, at ayon sa kanya, kelangan nating ipakita ang UBE – Ultimate Bonding Experience, dahil ang prosisyon ang isa sa paraan kung pano tayo nakikisama sa ating mahal na birhen, sa mga santo at higit pa sa Panginoon. Kadalasan pa nga, ayon sa pari, kapag siya ay kasama sa prusisyon, at nasa banding huli sya, nakikita nya ang mga taong taos-pusong nagdarasal habang naglalakad, at kapag daw tumitigil ng sandali ang prusisyon, nakikita daw niyang lumilingon ang mga tao sa mahal na birhen. Para bang nakakatanggal ng pagod ang mukha nito. Masasabi kong totoo nga naman ang mga ito, naiisip natin na worthy naman ung pagsama naten sa mahabang prosisyon.

At isa pa ay ang isang dahilan ng pagiging masugid na deboto natin sa mahal na birhen. Ayon sa pari, nais ng mga tao na maging katulad natin sa Maria sa kabilang buhay. Iniisip natin na sa pamamagitan ng ating pagpahayag ng debosyon ay naipapakita natin ito.

Sa kabila ng lahat, anumang pagpapakita natin ng ating debosyon, mapatahimik lamang o may kasamang pahid sa santo, pareho namang makakarating sa Panginoon. Salamat at mayroon tayong Lady Mediatrix na handang tumulong upang maihatid ang ating mga panalangin.



“Ultimate Bonding Experience”



_nix_