Sunday, May 15, 2011

Ginusto ko 'to kaya gagawin ko.

“Hindi naman kasi talaga required. Ako lang ang mapilit.”

Sa course kong Management Accounting sa UST, hindi talaga kasali ang On-the-Job Training o OJT sa curriculum namin. Ako lang tong nagpumilit na magkaron para maganda ang hatak ko sa trabaho sa future, at syempre para may magawa naman ako ngayong summer. Pag idle kasi ang utak ko, mahihirapan ako mag-aral next sem dahil wala akong ginawa ng summer. >.<

Nag-online application ako sa mga companies nung March pa. Tinry ko sa IBM, Citigroup, GXS, Metroglobal, BPI, Ayala Land, Odyssey, at kahit nga mga ospital tulad ng St. Luke’s at MakatiMed pinatulan ko pero ni isa sa mga yan walang tumawag sakin. Nagtry din ako mag-walk-in sa Robinsons Land, RCBC at sa DoE, pero kinuha lang nila ang Resume ko, tapos tatawagan na lang daw. Tapos grabe din pala sa San Miguel Corp., kelangan pa na may kakilala ka sa loob para mapapasok ka as OJT. Tsk tsk. In short, sayang pa ang porma kong corporate, tss. After ilang weeks...

Tuesday, May 03, 2011

My Lola Rocks. \m/

A Kewl Picture of Me and My Lola

This picture was taken last April 24, 2011 sa sala ng bahay namin sa Atimonan, Quezon.

Kwento saken ng parents ko, since 5 days young pa lang ako, dinala nako sa Pinas. Kelangan kasi ng parents ko magtrabaho abroad para mapag-aral kami. At simula noon, si lola na at ang tita at tito ko ang nag-alaga at nagpalaki sakin.

Ang lola kong to, sobra sobrang mapagmahal at thoughtful. 89 years old na sya pero sobrang pinagmamalaki at pinagpapasalamat ko na hanggang ngayon, healthy naman ang lola ko mentally. :) Though medyo mahina na rin, pero kung ikukumpara mo sa ibang octogenarian, MALAKAS ang lola ko.

Mula pagka-baby ko, hanggang sa mag-elementary at highschool ako, sya ang kasama ko.


  • Sya ang nagbibigay ng baon ko na 20php a day pag pumapasok ako sa school. 
  • Sya din ang nagtatahi ng mga damit ko dati, basta sya ang bahala. 
  • Sya din ang nagturo saking gumawa at tumulong sa mga gawaing-bahay. 
  • Sya din ang kumakalong (pinaphiga nya ko sa ibabaw nya habang nakaupo sya sa tumba-tumba) sakin dyan sa inuupuan nya dyan sa picture. :)
  • Pinapaliguan nya ko nung bata pa ako, at sya ang nagturo sakin na isawsaw ang daliri ko sa tubig na liliguin ko at mag-sign of the cross bago magbuhos. 
  • Ako ang isinasama nya sa simbahan para akayin at samahan sya sa pagma-Mother Butler Guild nya. Kaya sikat ako sa mga ka MBG nya. :D
  • Araw-araw (literal) nyang nire-recite ang Rosary. Lahat ng mysteries yun. Ganun sya ka-religious. Sa kanya ako nagmana. :)
  • Ako ang hilig nyang utusan na mag-grocery sa may amin, ako naman tong enjoy.
  • Ako din ang hilig nyang papuntahin sa bangko at pagdeposit ng pera nya.


at ang paborito ko sa lahat,
ay kapag nagkukwento sya tungkol sa buhay nya at pinagsasabihan ako ng mga inspirational words tungkol sa buhay. Hindi ko man yun maisa-isa sa inyo pero sigurado akong naipakita at nagamit ko na yun sa iba't ibang paraan. Masasabi kong malaking parte ng pagkatao ko ay dahil sa pagpapalaki nya. And I guess naman, sa mga nakakakilala sakin, masasabi nyo rin yun. :)

With her, during my 19th birthday! :)

Napakadami pang bagay na hindi ko makakalimutan sa kanya. :) 

Ngayong college days ko, bihira na lang kami magkita, kaya pag umuuwi ako ng probinsya ko, niyayakap at kini-kiss ko talaga sya sa sobrang miss ko. Pag nasa byahe ako o sino man sa aming pamilya, hindi sya natutulog hangga't hindi kami nakakarating dun sa bahay. Ganun sya mag-alala, at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nyang un.

Kulang ang blog na to, para masabi at maisigaw ko sa mundo, na mahal na mahal na mahal ko ang lola kong ito. <3

Hindi mo man mababasa to lola, pero MAHAL na MAHAL po kita at salamat po sa lahat. :D

Thursday, April 14, 2011

FIRST BLOGSPOT POST.

Matagal ko na planong gumawa ng Blog, pero ngayon lang ako nagkaron ng oras para magawa ito. Kaya iipunin ko muna ang lahat ng mga nagawa ko nang blog simula ng natuto akong mag-internet.

Kaya expect post na matagal ko na nagawa. :) ita-transfer ko lang para may official blog na ako. :)

Sana marami akong maging followers. :) Kung wala man, eh ayos lang, ang importante, may website ako na napagshe-sharean ko ng mga thoughts ko. Ok? :D

--- nicos ---

Wednesday, February 23, 2011

CAR ACCIDENT ko.

6:55am, February 23, 2010. Tuesday non. Eh 7am ang klase ko.



Nakasakay ako sa jeep galing Lardizabal papuntang Tayuman. Dumaan na sa Lacson Gate ang jeep kaya naman...



"MA, PARA!", sumigaw ako.



Nagmamadali akong bumaba ng jeep na sinasakyan ko. Naku 5 minutes na lang late na koooo. Di pwede to!



Agad namang tumabi ang jeep sa may kanan. Kaya bumaba na ako pati na rin ang mga co-Thomasian ko. (naks!).



Traffic nun, naka-GO ang stoplight pero hindi pa rin gumagalaw ang mga sasakyan. Kaya naman tumawid na din ako sa pagitan ng mga sasakyan. Bukod sa late na ko at nagmamadali, nagpapaka-gentleman na din naman ako na mauna para maguide tong mga kasama kong tatawid. Bait ko ba? Well, napasobra ata. Kasi look what happened next.



Bale ganto, ung jeep na binabaan ko nasa pinaka rightmost lane, nasa middle lane naman ang malaking truck, kaya hindi mo makikita kung may sasakyan sa leftmost lane.



Ako naman tong si tanga, nagmamadali lumakad. Hindi ko naman akalain na may sasakyan pang makakasingit dun sa leftmost lane dahil sa laki ng truck na nasa gitna. Aba biruin mo ba naman, may nakasingit pang Isuzu Crosswind dun. Kulay orange.



Muntik pa kong tumakbo, kasi akala ko naman mapapansin ako nung driver. Eh sa peripheral view ko, napansin ko na agad na wala atang balak mag-brake, kasi nabigla din sakin. Hindi nga naman nya makikita kung may tatawid dahil nga may nakaharang na truck sa gitna.



Buti na lang hindi ako tumuloy, dahil sigurado baka hindi nyo nababasa tong note na to, dahil tepok na ko. haha.

Buti na lang at nagkaron pa ko ng sapat na balanse para mabawi ko ung hakbang ko. Kaya naman.



*BANG!* Nabangga na ako ng sasakyan!

Wednesday, February 17, 2010

ASH WEDNESDAY: What about it?

Ash Wednesday ngayon diba? O nagsimba ka ba? Once a year lang naman to eh, kaya sana bigyan mo naman ng oras. Anyway, ang iseshare ko ngayon sa inyo ay ang homily ni Father kanina sa mass, hindi ko maalala yung pangalan nung pari pero basta sa Our Lady of Mt. Carmel Parish yun dito sa QC.

Bakit ash? Bakit putik pa daw ang kailangan ilagay sa noo ng mga tao?

May dalawang sinisimbolo daw ang Ash ayon kay Father:

Una, sabi nga sa isang famous Biblical line: ‘In Ash we are made of, and to it we shall return”, basta something like that. Diba ang ash ay black, na nagpapaalala satin ng lupang ating tinatapakan. Sa putik tayo ginawa ng Diyos, at dun din daw tayo babalik. Dapat mangibabaw ang pagkakapantay-pantay ng tao dahil pare-pareho lang tayong gawa sa putik.

Pangalawa, nirerepresent daw nito ang pagtanggap natin na tayo’y lagi na ring nadudungisan ng kasalanan. Lahat tayo’y may mga nagawang kasalanan, kaya naman sa pagpapalagay natin ng ash sa noo, ipinapakita lamang nito na tinatanggap natin ang ating pagkakasala at handa natin itong pagsisihan ngayong panahon ng Lent.

Eh ano nga ba ang Lent?

May tatlong bagay na BEST na magrerepresent sa Lent at ito ay Prayer, Alms-giving at Fasting.

Sa prayer, katulad ng ating mga ginagawa sa araw-araw, mas kailangan nating magmuni-muni at mas mahabang pakikipagusap kay God, at sa pamamagitan nito, mas maalala natin na walang nakahihigit at wala ring mas mababa sa atin sa paningin ng Diyos. Maiisip natin na pantay-pantay ang dignidad ng bawat isa sa atin, kaya wala dapat na nanglalamang sa kapwa.

Sa alms-giving naman, hindi lang ito basta pagbibigay ng barya sa mga nanglilimos, o kaya ay pagkain sa mga mahihirap. Ang tunay na meaning nito, ay paglalaan natin ng oras sa mga nangangailangan, tulad ng mga kaibigan natin na may problema, mga bilanggo na kailanma’y hindi na dinalaw ng pamilya nila, at marami pang iba.

Lastly, ang fasting daw ay hindi pagda-diet (tinamaan ako dito ah, hehe...), hindi ito tungkol sa hindi pagkain, o pagbabawas ng pagkain. Dapat may sacrifice, at magkakavalue lamang ang sacrifice kung yung pagkain na hindi mo ikakain, ay ibibigay mo na lang sa mas nangangailangan. Yan ang tunay na meaning ng fasting.

Sana nga ay makapagreflect tayo sa blog entry kong ito. Have a peaceful Lenten season everyone! God bless!