Thursday, April 14, 2011

FIRST BLOGSPOT POST.

Matagal ko na planong gumawa ng Blog, pero ngayon lang ako nagkaron ng oras para magawa ito. Kaya iipunin ko muna ang lahat ng mga nagawa ko nang blog simula ng natuto akong mag-internet.

Kaya expect post na matagal ko na nagawa. :) ita-transfer ko lang para may official blog na ako. :)

Sana marami akong maging followers. :) Kung wala man, eh ayos lang, ang importante, may website ako na napagshe-sharean ko ng mga thoughts ko. Ok? :D

--- nicos ---

Wednesday, February 23, 2011

CAR ACCIDENT ko.

6:55am, February 23, 2010. Tuesday non. Eh 7am ang klase ko.



Nakasakay ako sa jeep galing Lardizabal papuntang Tayuman. Dumaan na sa Lacson Gate ang jeep kaya naman...



"MA, PARA!", sumigaw ako.



Nagmamadali akong bumaba ng jeep na sinasakyan ko. Naku 5 minutes na lang late na koooo. Di pwede to!



Agad namang tumabi ang jeep sa may kanan. Kaya bumaba na ako pati na rin ang mga co-Thomasian ko. (naks!).



Traffic nun, naka-GO ang stoplight pero hindi pa rin gumagalaw ang mga sasakyan. Kaya naman tumawid na din ako sa pagitan ng mga sasakyan. Bukod sa late na ko at nagmamadali, nagpapaka-gentleman na din naman ako na mauna para maguide tong mga kasama kong tatawid. Bait ko ba? Well, napasobra ata. Kasi look what happened next.



Bale ganto, ung jeep na binabaan ko nasa pinaka rightmost lane, nasa middle lane naman ang malaking truck, kaya hindi mo makikita kung may sasakyan sa leftmost lane.



Ako naman tong si tanga, nagmamadali lumakad. Hindi ko naman akalain na may sasakyan pang makakasingit dun sa leftmost lane dahil sa laki ng truck na nasa gitna. Aba biruin mo ba naman, may nakasingit pang Isuzu Crosswind dun. Kulay orange.



Muntik pa kong tumakbo, kasi akala ko naman mapapansin ako nung driver. Eh sa peripheral view ko, napansin ko na agad na wala atang balak mag-brake, kasi nabigla din sakin. Hindi nga naman nya makikita kung may tatawid dahil nga may nakaharang na truck sa gitna.



Buti na lang hindi ako tumuloy, dahil sigurado baka hindi nyo nababasa tong note na to, dahil tepok na ko. haha.

Buti na lang at nagkaron pa ko ng sapat na balanse para mabawi ko ung hakbang ko. Kaya naman.



*BANG!* Nabangga na ako ng sasakyan!

Wednesday, February 17, 2010

ASH WEDNESDAY: What about it?

Ash Wednesday ngayon diba? O nagsimba ka ba? Once a year lang naman to eh, kaya sana bigyan mo naman ng oras. Anyway, ang iseshare ko ngayon sa inyo ay ang homily ni Father kanina sa mass, hindi ko maalala yung pangalan nung pari pero basta sa Our Lady of Mt. Carmel Parish yun dito sa QC.

Bakit ash? Bakit putik pa daw ang kailangan ilagay sa noo ng mga tao?

May dalawang sinisimbolo daw ang Ash ayon kay Father:

Una, sabi nga sa isang famous Biblical line: ‘In Ash we are made of, and to it we shall return”, basta something like that. Diba ang ash ay black, na nagpapaalala satin ng lupang ating tinatapakan. Sa putik tayo ginawa ng Diyos, at dun din daw tayo babalik. Dapat mangibabaw ang pagkakapantay-pantay ng tao dahil pare-pareho lang tayong gawa sa putik.

Pangalawa, nirerepresent daw nito ang pagtanggap natin na tayo’y lagi na ring nadudungisan ng kasalanan. Lahat tayo’y may mga nagawang kasalanan, kaya naman sa pagpapalagay natin ng ash sa noo, ipinapakita lamang nito na tinatanggap natin ang ating pagkakasala at handa natin itong pagsisihan ngayong panahon ng Lent.

Eh ano nga ba ang Lent?

May tatlong bagay na BEST na magrerepresent sa Lent at ito ay Prayer, Alms-giving at Fasting.

Sa prayer, katulad ng ating mga ginagawa sa araw-araw, mas kailangan nating magmuni-muni at mas mahabang pakikipagusap kay God, at sa pamamagitan nito, mas maalala natin na walang nakahihigit at wala ring mas mababa sa atin sa paningin ng Diyos. Maiisip natin na pantay-pantay ang dignidad ng bawat isa sa atin, kaya wala dapat na nanglalamang sa kapwa.

Sa alms-giving naman, hindi lang ito basta pagbibigay ng barya sa mga nanglilimos, o kaya ay pagkain sa mga mahihirap. Ang tunay na meaning nito, ay paglalaan natin ng oras sa mga nangangailangan, tulad ng mga kaibigan natin na may problema, mga bilanggo na kailanma’y hindi na dinalaw ng pamilya nila, at marami pang iba.

Lastly, ang fasting daw ay hindi pagda-diet (tinamaan ako dito ah, hehe...), hindi ito tungkol sa hindi pagkain, o pagbabawas ng pagkain. Dapat may sacrifice, at magkakavalue lamang ang sacrifice kung yung pagkain na hindi mo ikakain, ay ibibigay mo na lang sa mas nangangailangan. Yan ang tunay na meaning ng fasting.

Sana nga ay makapagreflect tayo sa blog entry kong ito. Have a peaceful Lenten season everyone! God bless!

Tuesday, December 08, 2009

TWILIGHT SAGA: Love is not exactly something you can explain ’specifically’.

I was wondering how Edward fell in love with Bella, while in fact, Edward doesn’t like Bella the first time he met her. That question keeps popping on my head while I was reading the first book of the Twilight Saga. The further I read, the more I become confused.

I got this answer from Yahoo! Answers and it convinced me well:

“A ridiculously potent scent to demand his attention, a silent mind to enflame his curiosity, a quiet beauty to hold his eyes and a selfless soul to earn his awe.”


Thats what made him love her, and like so much more. She’s his Bella, that about explains it. And besides, you can’t help who you love. It’s not exactly something you can explain ’specifically’.

Source(s):
The Twilight Saga.

Really true, Love is unexplainable. We just feel it and we mean it. No explainations needed.

Anyway, the novel is great. At first I was mean about it because I’m a Harry Potter fan, but i guess this Twilight Saga is more appropriate to my age by now, so I started to read it.


As I read it, it makes me feel like I’m a schoolmate of Bella and Edward. It was easy for me to imagine the scenes and imagining that I am actually there in the Forks while everything is happening. That simply means Stephenie Meyer is a very good novelist!  Yes she is. :)

Wednesday, September 02, 2009

ABS-CBN Studio Tours

It was a no-stress day! On the 31st of August, Monday, in the year of our Lord (Amen!), my life has changed as I reach one of my dreams in life, which is to enter the grounds of ABS-CBN, one of my top 5 picks to apply for a job when I graduated in college. Oops! I mean, when I pass the heartbreaking CPA Board Exam pala muna.

It was really nice to have Ate Ruth with us, she’s been so sweet to us, though lawfully speaking we don’t have any relation with her (pinsan sya ng pinsan ko). It was through her that our long-time dream has been granted at last.

O eto na, start na talaga ng story! For my readers, imagine yourself, kasama ko kayo! Hehe… We traveled by taxi from our house here in Sta. Mesa to ABS-CBN. Buti na lang di gaanong traffic! We entered the gate as if wala kaming pakelam kung sitahin man kami ng mga guard, pero fortunately, they really don’t care, para ka lang pumasok sa mall, chek dyan, hipo don! pero as we enter the glass door, ayown na nga, unang-una naming nakita ay si Andrew E. with the Salbakuta, kakagaling lang daw nila from the live show of Wowowee. At first, we didn’t notice them, kala namin eh tourists den. Ang nakakatawa pa nun, si Andrew E. pa ang nagsabing ‘picture-picture’ daw, eh di syempre kami naman tong kuha the camera. Ayan clik don, click dyan… then aun, konting chitchat pero bye bye na din agad.