Alam nyo ba, ayon sa Psychology professor ko, there is a word called “REPRESSION” – which means ito daw ung emotions na naiipon sa isang tao sa tuwing may mga negative things tayong naeexperience, which affects our own personalities. Halimbawa, nung bata tayo, kapag may gusto tayong ipabiling laruan sa parents natin at hindi nila maibigay yun saten, ung sadness na naramdaman mo dahil di mo nakuha ung gusto mo will be kept in your unconscious mind, kung saan naman malaki ang magiging epekto nun sa pagkatao mo ngayon. Kaya naman wag kang magtataka kung minsan at may gusto kang bilhin, mas mabilis kang magdesisyon na wag ng bilhin yun kasi nga nasa Unconscious mo na nagkaron ka na ng experience na hindi ka ibinili ng bagay na gusto mo.
Sabi nila, pag daw bibili ka sa isang shopping mall, mas mabuti kung ikaw lang mag-isa. Alam mo why? Eh kasi, pag ikaw nga lang naman mag-isa, hindi ka mahihirapan na magdesisyon sa isang bagay na bibilhin mo.. unlike sa kung may kasama ka, bestfriend mo man yan o kahit pa nga any relative mo, magdadalawa ka pang isip kung alin ang pipiliin mo, para bang sa madaling sabi… dalawang tao ang pinagdedesisyonan mo, ang sarili mo at ang gusto ng kasama mo para sayo, which is definitely not good, hindi ba..?