Showing posts with label SNS. Show all posts
Showing posts with label SNS. Show all posts

Sunday, September 14, 2008

GM or Group Messaging

I can't help but keep on blogging everytime I realize things around me. At eto naman ang napansin ko ngayun bigla ---> ang kinaaasaran kong GM o kung tawagin ay Group Message.

Addict din ako sa pagtetext, pero nito lang ay nawala ang hilig ko dahil na rin may mga priority akong gawin kesa magtext.

Sa araw-araw ng High school days ko, nagstart na umuso ang GM or group message nga.

GM (Group Messaging) - isang uri ng pagtetext na nagbibigay ng mensahe para mabasa ng karamihan, o ng lahat ng nasa phonebook, karaniwan sa mga edad 12-19 anyos. Pero wala na ngayong pinipiling edad. I doubt.


It is formed in making text by the following:

I. Introduction

II. latest news about the sender

III. messages for different persons.. ( ang nakakairita.. wala ka naman sa listahan nya..)

IV. general message (or known also as message for everyone who reads the message)

V. closing message

VI. the posting of the LETTERS “GM” ( ang arte pa ng iba.. ganito pa ang spelling: ghiee-em, gee-em, ji-emm, –gm–, dzi-em, at napakarami pa.. grrr!)


Nakita nyo na kung pano buuhin ang GM.. hmmm.. e2 lang naman ang gusto kong ipoint out:

1. una sa lahat.. thanks sa opening remarks..

i really appreciate your effort mo na maggreet sa ken. At least alam ko may nakakaalala pa rin sa ken..

2. i wil ask PERSONALLY if i want to..

ahmm.. para sa kaalaman mo, hindi ko naman tinatanong ang latest na nangyayari sayu eh.. pakelam ko naman kung “kakatapos mo lang kumain” o kaya “kakarating ko lang ng bahay” o kaya naman “ang saya ng araw ko” - siguro iisipin nyo masungit ako pero what i mean is pede naman na personal mong sabihin na “hoy JUAN, kamusta.. ako?! eto kakakain lang,..” o hindi ba.. at least alam mo na para SAYO LANG talaga ang message na yon..


3. i dont care sa pinaguusapan nyo.


ano bang pakilam ko sa mga text mo sa ibang tao? kelangan pa bang iladlad sa lahat ang pinaguusapan nyo?.. ang masama pa nun.. kame pa tong nagmumukang PAKILAMERO.. o tsismoso.. hanggat maari lang naman, pede naman magusap na kayo lang.. hindi ba..! -_-''

4. i dont feel any sincerity..

ndi nyo ba napapansin na nakakairita pag sinabi to:

“at sa nagbabasa nito, ingat ikaw!”

anu kaya un.. sino kausap mo??! hahaha..

5. hay salamat naman..

at sa wakas.. natapos ang GM mo.. nkakaubos ng battery!!

6. pede naman na GM na lang..

bat kelangan pa kase na may style pa.. susmarya.. kakakilabot naman ang kaartehan nyo sa pagtetext.. haha..




at kung ang reason nyo eh dahil sa para masulit ang load.. pwede ba! hindi sulit ang load dahil wala naman magrereply sayo eh.. its not worth it.. better change to make it PM or personal message. Dapat SINCERE.

Why not have some effort na itext nang PERSONAL ang mga kaibigan mo, para maramdaman nila na hindi mo sila nakakalimutan, at personally mo silang naaalala, yun lang naman un diba? :)


sana naman sa mga makakabasa nito, kung maari lang please itigil nyo na! hindi nyo alam , nakakairita na pala.. (a friendly advice lang naman to).

Salamat. 


-GM- haha.

Saturday, September 13, 2008

Ang mga epekto ng Text Messaging

Kung mapapansin nyo, parang napakalaki na ng pinagbago ng mundo simula ng nagkaron ng cellphone, di ba?

Siguro nga nakatulong ang Cellphone para mapadali ang ating communication sa iba, lalo na sa mga kaibigan nating matagal na nating hindi nakakausap ng personal. :D

At isa pa, nagiging stay connected tayo sa family natin abroad. Sabi nga ng Globe, "abot mo ang mundo!"

at pag naman hihingi na ng money from province, text ka lang, “ma, penge pera!” at least piso na lang .. eh diba pag tumawag ka pa sa phone eh, aabutin pa ng mahal kase pilit may kasamang kwento diba.. hehe..

isa pa, para sa mga nagaalalang mga magulang, text lang si anak na gagabihin, ayus na ang problema! (asus, gagabihin daw sa proj, pero may lakad naman pala ang barakada.. diba diba?! haha)

pero sa kabila nitong mga advanteges na to, hindi pa rin maikakaila na may ilang mga disadvantages ang cellphone communication na nagiging cause ng misunderstanding:

unahin na natin sa pamilya, kung minsan, ang mga anak sobrang nagre-rely sa text, eh kung minsan naman may mga problema ang networking, kaya di nakakarating ang mga messages. Isa pa ginagawang reasons ng mga anak, na “ah?! nagtext po mandin ako, hindi nyo po ba natanggap?” o diba.. kala nyo ha.. hmmmp..

isa pa, sa studies, naku, ndi ba kayo nagaalala na pag pabata na ng pabata ang gumagamit ng celphone eh, magiging “text-minded” na sila, naku pano kung:

Teacher: Okey, class, spell “knowledge”?

Students: (sabay-sabay pa) N - A - L - E - J , nalej!

naku, malaking porsyento ang itataas ng mga batang ILLITERATE, at baka magkaron pa ng subject na CELLPHONOLOGY - study of NEWEST brands ng Cellphones. >.<

Sa pagaaply naman ng trabaho, panu kung sa hilig mong magtext eh may mangulit sa yo, naasar ka kaya nagpalit ka ng number. Ayun, gawa ulet ng bagong resume, isa pa, MALAS mo kasi ndi ka na makokontak ng kompanyang inaplayan mo.. tsktsktsk..

At ito pinakamadalas naten maramdaman, sa mga kebigan naten,, lalo na dahil sa ang lagi nating katext eh ung mga ka-age naten..

take this as an example:

Juan: Pare, kamusta na?!

Pedro: Eto, aus naman, ikaw ba?

Juan: aus lang rin.. asan ka?

(natagalan magreply dahil may ginawa)


Juan: anu gwa mo?

Juan: kamuzta si Maria?

Juan: Ayos ba naman kau? Matakaw pa rin ba?

Juan: Pre asan ka na, makulet na ba ako?

Pedro: OO SOBRA!

- ibig sabihin ni Pedro, sobrang matakaw pa rin si Maria..

Juan: Ah ganun ba.. cge pare ganyan ka na! :|

Ending: hindi na msyadong nagpansinan ang magkaibigan..



Actually nangyare na saken yan, pero buti nagkapaliwanagan.

Pero bukod dun.. sa sobrang katetext, at nasanay ka na laging nagkakatext kayu, at isang araw hindi na nagtext, magtatampo ka?! eh posibleng nagpalit lang ng sim o kaya, maraming gawa, ayan , nasira pa ang pagkakaibigan nyo.. tsktsk.

Anyway, whatever happens, mangingibabaw pa rin ang advantages ng text messaging kesa disadvantages, kaya lang minsan nagkakatampuhan dahil namimisiinterpret.. kelangan lang naman ay pasensya at tamang paggamit para magkaintindihan. :D

Sunday, September 07, 2008

Para san nga ba ang Friendster?

Alam naman natin na ang Friendster ay hindi lang basta basta social network.

Isa itong website kung saan pwede natin mai-share ang mga bagay na na-eexperience natin sa araw-araw.

Sa iba kasi nagiging parang contest ang Friendster.. kesyo paramihan daw ng friends or comments.. natawa naman ako dun.. eh anu naman kung konti lang nainvite mo na friends mo.. at least kilala mo kung sino talaga ang mga totoong taong yun diba?

sa iba naman parang ang friendster ang ipunan ng very important memories tulad ng sa family, friends and anu pa man.. 

maybe sa iba rin… dito nila nilalabas ung other SIDE o kung tawagin nga eh, the TRUE side of oneself.

Para din naman sa iba, ginagamit nila ang Friendster para maupdate nila ang mga family at friends nila.

Ilan lang naman to sa nakikita kong rason kung bakit merong Friendster. :)

I conclude:

…kanya kanya lang naman ng perception sa buhay ang bawat isa sa'tin.. kung kahit ano pa man ang reason mo about being a friendster lover.. ang importante eh you are enjoying your life. Maybe another way lang naman ito para maishare natin sa iba ang mga bagay na gusto natin i-share. :)