Showing posts with label College Days. Show all posts
Showing posts with label College Days. Show all posts

Monday, March 26, 2012

4ma7 Sem-ender Outing! :D

*nag-ring ang bell.

1:00PM Hindi pa man lang ako nakaka-react kung ano nangyare sa exams namin nung araw na yun, kanya-kanyang buhat na agad ng mga bag ang mga kasama sa outing. Nag-lunch na muna ang lahat, at napagusapang magkikita ng 2pm sa AMV Tree. Nagdecide kami ng mga kasama ko na kumain sa KFC hanggang 2.15pm.

2:30PM Nakumpleto na ang listahan ng mga kasama. Mardian. Joyce C. Mariel. Atheena. Abe. Sandae. Darel. Pahuts. Shara. Kamz. Des. DJ. Mark L. Nelson. Keith. Jay. Arnold. Carlo. Ako. Nauna na si Marge sa Cubao, dun kasi kami sasakay papunta sa bulacan.  Sina Liza at Janerin naman ay dun na din makikipagkita dahil kukunin pa nila ang gamit nila. Sumakay na kami ng jeep, di kami nagkasya sa isa lang, 19 ba naman kami. -_- Humiwalay kaming apat nina Nelson, Arnold at Carlo. Sobrang lakas ng ulan. Walang may payong samin. Lagot. Pero dumating kami sa Baliwag Transit at dun na kami magkakasamang 22.

4:00PM Nilakad pa kasi naming mula Cubao hanggang Baliwag Transit, kaya medyo behind schedule ang pag-alis namin. Halos kalahati ng bus okupado namin. Sayang kung kumpleto ang klase, pagsakay pa lang siguro ng lahat, aalis na yung bus. Haha.

6:00PM Nakarating kami sa bayan ng Bustos, Bulacan. Dumaan muna kami sa 7-eleven para bumili ng yelo. Saka kami dumeretso sa sakayan ng tricycle para makarating sa Galilee. Tatluhan sa isang tricycle. Kinse isang tao. Para safe, isang lalaki sa backride at dalawang babae sa loob. Nagkakahabulan pa ang mga tricycle na parang Amazing Race lang. haha.













6:30PM Nakarating ang lahat sa Resort, dun na naming nakita si Mark S – and 23rd outing-er. Hinintay muna namin si Tita Annie, nanay ni Marge, sya ang nagpa-reserve para sa min. 

7:00PM Finally, the outing officially started. Naka-check in na kami sa Room 117, with 20 beds. Ako ang Key-Keeper. Nagbihis na kami, kasi most of us naka-uniform pa rin. Haha. Afterwards, lumabas na kami para iprepare ang food at kumain. Dapat sa private pool ng mansion muna kami, pero dahil may debut, pinalipat muna kami sa resort. Dun na kami nag-ihaw ng ulam namin for the night. Si Kamz na talaga ang sobrang maasikaso, sya ang punong abala sa pag-iihaw ng Tilapia, Pork BBQ at Hotdog. Habang nag-iintay ay nagswimming na muna ang iba sa pool. Ang iba naman ay nag laro ng tong-its.


Kumain na kami ng dinner, ulam naming ang adobo, grilled pork bbq, grilled bangus at hotdog. Nag-swimming na ang lahat pagkatapos nito. Dun kami sa adult pool, lagpas tao. Grabe. May slide din dun. Kaso maikli lang.


 FIRST GAME: Swimming Pool Game: 1 vs the odds.

Maghahawak-hawak ng kamay ang lahat ng mga kasali, pero may dalawang bida. Yung manghuhuli (taya) at yung huhulihin (bida). Kakampi ng lahat ng kasali ang bida at tutulungan nila si bida para hindi mahuli ni taya. Haharangan ng lahat ng kasali si taya para di mahuli si bida. Pag nahuli si taya, tapos na ang game. haha. Mahirap sya pramis. May kasamang tili pa ang mga girls at bungguan talaga. Hahaha.

SECOND GAME: Swimming Pool Game: Caterpillar

            May isang taya, lahat ng kasali ay lilinya habang nakahawak sa likuran ng nasa unahan. Ang goal ng taya ay mahuli ang pinaka-huling member ng caterpillar, at ang role ng caterpillar ay protektahan ang pinakadulo nito. Kapag nahuli ni taya ang dulo ng caterpillar, magiging kakampi na nya ito. Hanggang sa humaba na rin ang linya ng taya at maging dalawa na ang caterpillar. Dapat talaga maghuhulihan ng buntot ang dalawang caterpillar pero hindi nangyari yun. Hahahaha. Puro tili din ang nangyari. Mahirap gumalaw kasi may nakahawak sa likod mo. Pero masaya.

THIRD GAME: Swimming Pool Game: Agawan Base sa Pool

             Nahati sa dalawang team thru JnP (jack en poy), isa sa mga winners, at isa sa mga losers. Alam nyo naman ang game na to, pinagkaiba lang, nasa tubig, tapos ewan ko kung bakit wala kaming kalaban-laban, kasi daw kami lang huhulihin hanggang maubos daw kami. Kami namang mga uto-uto, sunod lang. sabi nila eh. Haha.

12:00AM Tapos na daw yung may debut sa private pool, pwede na daw kami lumipat, kaya nagpack-up na kami sa cottage at lumipat sa private pool. Naligo pa rin yung iba, yung iba naman at nag-shower na sa room.

FOURTH GAME: Swimming Pool Game: Lusutan

                Simple lang. Lulusot sa ilalim ng legs ng mga nakapila ang swimmer hanggang dulo ng mga nakapila. Tapos susunod na yung pinaka-unahan. Kapag di mo nalusutan lahat, may ‘truth’ na naka-abang. Haha. At may nalaman ako dito. >:))

1:30AM Pumunta na ko sa kwarto para magshower, tapos after nun, naglaro na kami ng mga cards.

FIFTH GAME: Indoor Game: Monopoly Deal

                Mahirap explain ang mechanics. Paturo kayo kay Mark L. haha. After neto, nagkayayaan na maglaro ng maramihan.

2:30AM

SIXTH GAME: Indoor Game: Who’s the Killer

                Kumuha ng cards sa deck na pareho ng bilang ng mga kasali, pero dapat may Jack, Queen at King. Ang Jack ay Police, ang Queen ay Doctor, ang King ay Killer at ang mga Numbers ay Citizens . Ang goal ng game ay mapatay ng Killer ang lahat ng Citizens. Para mapatay niya, kikindatan nya ang mga kasali, pero dapat maingat sya kasi pag nakindatan nya ang pulis o pag nahuli sya, dun na matatapos ang game. Ang role naman ng doctor ay buhayin ang mga napatay na ng killer. Kikindatan din nya ang mga namatay para mabuhay. Kapag namatay ka na, sasabihin mong “I’m dead” pero pag nabuhay ka na ulit, sasabihin mong “I’m alive”. Pag napatay ng killer ang doctor, sasabihin nyang “I’m the doctor and I’m dead”.  Kelangan galingan ng pulis ang paghuli, para mahuli agad si killer.

                Modified Game: Dalawa ang killer, dalawa ang pulis at isa ang doctor. Same mechanics, pero pag nahuli na ng isang pulis ang isang killer, di na sila kasali sa game. 1 is to 1 kumbaga. Masaya tong game na to. :D May add-on pa na “truth” kapag nahuli ang killer.

                Funny Moments: hinuli ni Jay si Mark, na kapareho nyang Pulis! Hahaha! , nakindatan ni Joyce si Carlo, pero walang reaction kasi killer din pala. Hahaha!


4:00AM

Di pa nangangalahati yung Gin na nakalagay sa isang water container na may gripo. Tatlong gallon lang naman an GSM Blue na hinaluan ng Tang Strawberry Juice at Sprite yun. Halos mapuno yung container. Haha.


SEVENTH GAME: Four Kings (ETO NAAA!)

                Nakalagay ang buong deck sa gitna ng circle of friends. Bubunot isa-isa ang lahat ng kasali. Bawat card ay may corresponding meaning. Eto:
  • Ace        - Shot ng nakabunot.
  • 2              - Shot ng ALL Girls
  • 3              - Names. Magbibigay ng category yung nakabunot (e.g. Professors sa AMV), tapos sunod    sunod na magbibigay ang mga katabi, hanggang may maubusan o may maulit na sabihin. Pag naubusan o nasabi na yung sinabi mo, shot mo.
  • 4              - Shot ng nasa Left mo.
  • 5              - Brand. Same rule from 3.
  • 6              - Safe Card. Pwede mong i-keep yung card para kung may task na shot mo, pwede mo gamitin yun para di ka mag-shot.
  • 7              - Shot ng nasa Right mo.
  • 8              - Sentence. Dugtungan to (e.g Boy1: Ako; Boy 2: Ako si; Boy3: Ako si Budoy) Sunod sunod yan hanggang maubusan ulit.
  • 9              - Rhyming Words. Si nakabunot ang magsisimula.
  • 10           - Shot ng ALL Boys
  • Jack        - Turo. Ikaw ang tuturo kung sino gusto mo mag-shot sa mga kasali
  • Queen - Color. Same rule from 3.
  • King       - May Apat na king sa deck. Pag nabunot mo ang 1st King, maglalagay ka ng kahit anong gusto mo sa isang baso, kahit ano (toyo, patis, alak, sipon, laway [yak!] ) Pag 2nd King na, dadagdagan mo yung nakalagay sa baso. Ganun din kapag 3rd king. Pag 4th king na. Ikaw ang iinom ng mga nakalagay sa basong yun. YAAAAAAK!


Ayan na nga, nakatulong ang game na to para maubos ang Gin, pero nakatulong din to para mabasag ang lahat. At pag sinabi kong basag. BASAG na BASAG!  Hahaha.

1.       Sa Color, category: Rainbow, sabi ni Carlo, Purple daw! HAHAHA. ROYGBIP?? =))
2.       May kinekwento si Marge, tapos sumagot si DJ bigla, ESKOLMEYT daw nya yung anak ng dean. Dumagdag si Mardian, nakatira daw sa ESKIMO at nag-eESKAYTING. Hahaha!
3.       Inakyat ni Gagamboy (Jay) lahat ng double deck!
4.       Direktor daw si DJ at Producer daw si Jay, at ako daw ang Actor. Ewan ko kung ano pinaguusapan namin nun. Pero puro tawa pa rin kami.
5.       Nakakita kami ni Mariell ng RAINBOW sa bintana ng CR. Di ko din alam kung bakit nakakatawa to. Hahahaha.
6.       Tinanong ko daw kung pwedeng kainin yung Uling.
7.       My evil laugh. >=))
8.   Nakapag-lucky 9 pa kami, ang tingin ni Liza sa King ay 4. HAHAHAHA.
9.       Di ko na maalala yung iba, tanungin nyo ung mga matitino, sila naka-witness. Haha

Eto pa, unang nakabunot ng King ay si Joyce, nilagyan nya ng Chuckie. sya din yung pangalawa, nilagyan nya ng Champagne,  ako yung third, nilagyan ko nung Gin. Guess what. Ako yung FOURTH KING!  =))))) :&

6:30AM Kumalma na ang lahat. Pinatulog na kami, sobrang dami na kasi nagising at sobrang kulit na talaga namin. Whew. Humabol pa ko ng isa pang tagay. HAHA.

9:30AM nung nagising ako, nagbreakfast na yung iba, ilan na lang kami natitira. Pinadala na lang yung breakfast sa room kasi late na. Isang cup of rice, sunny side-up egg at isang ham. Samantalang dumeretso na agad sina Kamz para mag-ihaw ng lunch. Sobrang sipag at bait nya lang talaga. Naglaro pa rin ng Monopoly Deal ang ilan at nagiimpake na ang iba.

11:30AM nung nagpunta kami sa Wave Pool, pero wala ng wave at sobrang dami nung tao, kaya dun muna kami sa may kabilang pool sa may dulo. Bumalik naman ako sa private pool para sana invite sila dun pero nagsiswimming na sila sa private pool, kaya nakijoin na lang ako sa kanila. After nun naglunch na kami, liempo, grilled tilapia, BBQ ulit plus may pansit pa.








Nag-pack up na rin ang iba pero may pahabol pang swimming hanggang 2:30PM.

LAST GAME: Swimming Pool Game: Dr. Quack Quack, Swimming Pool Edition.

After nun, tuluyan na nagready ang lahat, dahil kelangan na naming mag-out by 4PM.

Nakarating kami ng Manila ng 6:30PM at nakauwi ako ng mga 7:30 PM. And that’s how the outing ended. Pauwi pa lang ako namimiss ko na agad sila. 2 months bakasyon, pero 2 months ko sila di makikita. </3
Sobrang saya lang ng Outing, sana mas marami makasama next time. J

               


          

Monday, May 30, 2011

15-minute Enrollment. >:D

Panahon na naman ng enrollment. Kadalasan pa naman sa mga eskwelahan eh inaabot ng ilang araw. Yung iba naman maghapong nakapila sa school. Yung iba pa, pinapabalik sa ibang araw. Nakakapagod diba? Pero normal na yan, lalo na sa mga College Students. ;)

Pero ibahin mo ang enrollment ko… dahil 15 minutes lang, tapos na ko! Bilis diba? Pano nangyare? Heto basahin mo. :)

Wednesday, February 23, 2011

CAR ACCIDENT ko.

6:55am, February 23, 2010. Tuesday non. Eh 7am ang klase ko.



Nakasakay ako sa jeep galing Lardizabal papuntang Tayuman. Dumaan na sa Lacson Gate ang jeep kaya naman...



"MA, PARA!", sumigaw ako.



Nagmamadali akong bumaba ng jeep na sinasakyan ko. Naku 5 minutes na lang late na koooo. Di pwede to!



Agad namang tumabi ang jeep sa may kanan. Kaya bumaba na ako pati na rin ang mga co-Thomasian ko. (naks!).



Traffic nun, naka-GO ang stoplight pero hindi pa rin gumagalaw ang mga sasakyan. Kaya naman tumawid na din ako sa pagitan ng mga sasakyan. Bukod sa late na ko at nagmamadali, nagpapaka-gentleman na din naman ako na mauna para maguide tong mga kasama kong tatawid. Bait ko ba? Well, napasobra ata. Kasi look what happened next.



Bale ganto, ung jeep na binabaan ko nasa pinaka rightmost lane, nasa middle lane naman ang malaking truck, kaya hindi mo makikita kung may sasakyan sa leftmost lane.



Ako naman tong si tanga, nagmamadali lumakad. Hindi ko naman akalain na may sasakyan pang makakasingit dun sa leftmost lane dahil sa laki ng truck na nasa gitna. Aba biruin mo ba naman, may nakasingit pang Isuzu Crosswind dun. Kulay orange.



Muntik pa kong tumakbo, kasi akala ko naman mapapansin ako nung driver. Eh sa peripheral view ko, napansin ko na agad na wala atang balak mag-brake, kasi nabigla din sakin. Hindi nga naman nya makikita kung may tatawid dahil nga may nakaharang na truck sa gitna.



Buti na lang hindi ako tumuloy, dahil sigurado baka hindi nyo nababasa tong note na to, dahil tepok na ko. haha.

Buti na lang at nagkaron pa ko ng sapat na balanse para mabawi ko ung hakbang ko. Kaya naman.



*BANG!* Nabangga na ako ng sasakyan!

Monday, August 17, 2009

GAPAN ROCKERZ!

GAPAN ROCKERZ!

Motto: “Walang basagan ng trip!”
Founded: August 15, 2009 at Manzon’s Residence, San Leonardo, Nueva Ecija
Leader: Gapan Alyanna Garcia

Members:
Gapan Ian Feudo
Gapan Mikee Manzon
Gapan Esther Ebriega
Gapan Dan Sangalang
Gapan Charles Jose
Gapan Nix Leal

History:

Monday, June 22, 2009

Hirap ng isang AMVian.

Isang taon na pala ang nakakaraan nang malagpasan namin ang unang taon ng pagsubok dito sa AMV College of Accountancy.

Natatandaan ko noon, may mga araw na halos mabasa na ng luha ang libro ko sa Accounting hindi lang dahil sa kaaaral, kundi dahil na din sa katatanong kung bakit sa lahat ng kursong alam ko, ito pa ang napili ko, at kung bakit sa AMV pa na napakataas ng standards of passing? Ang hirap. :'(

Pero hindi yun naging hadlang para lumipat kami ng kurso o kolehiyo, sa halip, naging inspirasyon namin iyon para harapin ang lahat ng mga challenges na ibigay sa amin ng aming mga mentors. Bukod pa rito’y isang malaking Pride para sa isang estudyante ang makapasok sa isang Unibersidad na tulad ng UST kaya’t hindi namin sasayangin ang opurtunidad na ito.

Sa unang taon mo pa lamang na pagtapak dito sa AMV College of Accountancy ay ipinapakilala na agad ang tinatawag na “mortality rate ng AMV”, ito ay HINDI bilang ng mga namamatay, sa halip, ito ay ang bilang ng mga seksyon na nalalagas taon-taon sa batch mo. Halimbawa, kung 20 sections kayo ng 1st year, magiging 16 na lang sa 2nd year, 10 sa 3rd year at 7 na lang sa 4th year. Ito ang isa sa mga paraan ng AMV para ma-achieve ang highest possible passing rate sa CPA Board Examination kaya nananatiling no.1 ang college natin pagdating sa dami ng bilang ng mga pumapasa.

Hindi naman lahat nawawalang parang bula ang mga nalagas na 13 sections na yon mula sa 20. Ang iba sa kanila ay napupunta sa another program, tulad ng BSMA (management accounting - pero hindi pwedeng magtake ng CPA Board Examination). Ang iba naman ay nagdedesisyong lumipat ng kurso pero sa UST din, o di kaya naman ay lilipat ng University pero pareho din ang kurso. Nakadepende ito sa estudyante.

Matatapang at matatatag ang mga AMVians, pero sa kabila ng katapangang ipinapakita naming ito, hindi pa rin namin maisasantabi ang aming mga kahinaan at kinatatakutan, isa na rito ay ang bumagsak sa aming kurso.

Dagdag pa rito’y hindi maitatangging may mga oras din na pinanghihinaan kami ng loob na ipagpatuloy pa ang ka-hibangan na ito dahil na rin sa mga sobrang mabababang resultang aming natatanggap na bunga ng aming pag-aaral.

“Everyday is a Quiz day”, sabi nga ng isa naming prof.

At sa tuwing naaalala namin ang mga katagang iyon, hindi na mapawi ang kunot sa noo at simangot sa aming mga labi. Isang gabi ka lang na hindi magbasa ay malaki na ang posibilidad na hindi mo maabot ang passing score sa pagsusulit lalo pa at hindi kalahati ang passing, kundi seventy percent!!

Minsan pa’y pagkatapos maipamigay ang mga quiz papers na may nakalagay na pulang marka sa kanan, bigla pang tatanungin ng prof(habang nakangiti na para bang nakakaloko) : “Mahirap ba class?”. Talagang ramdam namin ang pagkadismaya at pagkagalit pero mabuti pang ‘wag ng ilabas pa ang mga damdaming iyon dahil wala namang mababago sa 30 over 100 na quiz paper na iyon. “Wala namang madali sa tao e, lagi na lang ang lahat ng bagay ay mahirap para sa kanya…”, dagdag pa nga ng prof namin sa Philosophy.

At sa tuwing darating naman ang Exams ay lalo mong makikita sa mga mukha ng mga kaklase mo ang sobrang pagod dahil sa pamumutla at pamumuknat ng balat sa labi, at higit sa lahat ang muling pag-usbong ng popolar na contest sa ating college na kung tawagin ay “Biggest Eye-bag Contest.”

Ang malala pa sa nasabing exams ay nahahati lamang ang major examinations sa dalawa, ang Prelims at Finals. Samakatuwid, pagkatapos mong malaman ang Prelim Grade mo, mayroon ka na lamang One and Only Chance para maitaas pa o maipasa pa ang grades mo sa subject na iyon – at yon ay ang Finals. Pagkatapos noon, ay wala ka ng magagawa pa sa grades na iyon dahil iyan na talaga iyon…

Almost four or five ang subjects na departmentalized – ibig sabihi’y iisa ang exam ng lahat ng 23 sections sa year mong iyon – kaya naman ito ang pinakapinaghahandaan ng mga estudyante. Swertehan na lang kung ang gumawa ng exams ay ang prof mo, ibig sabihi’y mas malaki ang chance mong makapasa. Kaya lang, kung minamalas malas ka at wala ni-isa sa mga departmentalized exam na iyon ang gawa ng mga prof mo, sorry pero ganun talaga…

Gayundin naman sa aming recitation, sabihin man ng kahit na sino na 20 percent lang ito ng aming kabuuang grade, pero para sa amin, ito ang tinatawag namin na “Aming Pag-asa!” sapagkat kung sa 40% quizzes at 40% exam ay bagsak ka na, ito na lang ang iyong pag-asa kaya’t perpekin mo na…

Pero hindi pa rin mawawala ang kaba at takot pagdating sa recitation. Sa bawat pagturo ng ballpen ng prof sa kanyang listahan, kasabay nito ang pagbilis ng tibok ng puso namin, sa pagaakalang kami na ang tatawagin. Gayundin naman, sa bawat pagbabalasa ng mga index cards namin na nasa kamay ng aming professor, para bang nagyeyelo ang aming mga kamay hangga’t wala pang nabubunot at natatawag.

At kapag ikaw na ang natawag, magsisimula nang umpekto ang tinatawag na Unconscious Behaviour. Kitang kita sa mukha ng aming mga kaklase ang pamumula ng mga tenga, walang tigil na pagtulo ng pawis mula sa ulo hanggang sa talampakan, pagtingin sa kisame na para bang naluluha na ang mga mata sa sobrang kaba at pagkagat sa labi kapag hindi alam ang isasagot o may nakalimutan. Mayroon din namang mga nanginginig ang tuhod at palingon lingon sa katabi na nagbabakasakaling may ibulong na mga sagot sa kanya. Ilan lamang iyan sa mga nararanasan namin sa tuwing kami ang natatawag.

Layunin ko sa blog na ito ay hindi upang takutin ang mga future fellow AMVians ko at sa mga future pa na huwag na pumasok sa college na ito. Sana ay makuha rin ninyo na sinasabi ko ang lahat ng ito upang magkaroon tayo ng lakas ng loob para harapin ang lahat ng mga pagsubok na ihahain na atin tulad ng mga naranasan ng ating mga Kuya at Ate na grumaduate na sa College naten. Isipin natin na naranasan din nila ang lahat ng hirap na ito pero heto sila at patuloy na sinusuong ang anumang hirap na madaanan nila.

Sana’y makatulong ito para mas lalo pang tumatag ang ating paninindigan at maitatak sa ating puso’t isip na…

…“gagraduate akong isang Thomasian Accountant!” ---- Sana.

Sunday, March 29, 2009

AMV, my second home. (a tribute for my Geegeenazer Family -- 1a19)

The sun wasn’t yet there in his place and the moon still smiles as he watches the darkened world of Manila. It’s not yet time to wake up, so I went back to my marshmallow bed and tried to sleep again. The feeling of being nervous and the excitement blends in as if I would blow my heart out of my mouth. My eyes were shut but my mind is up, thinking of things that would probably happen for this special day of my life – my first day in college life.

I was awakened by the roaring jeepneys and the rising temperature in my room. Oh no! It’s almost 1 P.M and I have to get myself ready for the class. I won’t ever forgive myself if I will be late this day. I ran into the wash room to wash my face. I took my breakfast-lunch for 10 minutes and went back to my room to pack my bag for school. After I took my bath, I ran to my room again to get myself ready and finally walked through the wide street of Concepcion until I reached Dapitan street 30 minutes before my class.