Sabi nila, pag daw bibili ka sa isang shopping mall, mas mabuti kung ikaw lang mag-isa. Alam mo why? Eh kasi, pag ikaw nga lang naman mag-isa, hindi ka mahihirapan na magdesisyon sa isang bagay na bibilhin mo.. unlike sa kung may kasama ka, bestfriend mo man yan o kahit pa nga any relative mo, magdadalawa ka pang isip kung alin ang pipiliin mo, para bang sa madaling sabi… dalawang tao ang pinagdedesisyonan mo, ang sarili mo at ang gusto ng kasama mo para sayo, which is definitely not good, hindi ba..?
Big deal ang bawat desisyon natin sa buhay, tulad nga nitong pagbili ng isang bagay na alam mong makakapagpasaya sayo, lalo na kung ung bagay na yun ay matagal mo ng pinapangarap. Pag dumating na yung araw na kaya mo ng bilhin yung bagay na yun, normal naman sa atin na sa sobrang excitement eh magkuwento ka sa ibang tao ng nararamdaman naten. Yun nga lang, pag minsan din, ung hapiness na ishinare mo sa kanya, ang kapalit ay ang consequences galing mismo sa kanya, which is, hindi nya intention na pigilan kang bilhin yun, sabi nga eh: Payong Kaibigan lamang…
Pero alam mo, may benefit din naman ung paghingi ng advice eh, kasi it would strengthen your decision sa isang bagay na gusto mo… mapwera na lang kung salungat sya sa gusto mo, na pede pang mauwi sa mga salitang: “sige na nga, wag na, sa susunod na lang ako bibili…” kalungkot diba? Kasi napanghinaan ka pa ng loob sa pagbili ng gusto mo…
kaya sana isipin natin muna kung kanino ka hingi nung advice na yun. Kung maaari, sa mga taong pinagkakatiwalaan mo, dun sa taong alam mong makakapagbigay ng katwiran na makakabuti ba talaga para sayo yun o hindi, and as much as possible, sa isang tao lang… kasi, kung dadami sasabihan mo, baka sa dami ng kinausap mo, eh maguluhan pa isip mo, hanggang sa hindi mo na nga tuluyang bilhin ung bagay na un…
Or kung ayaw mo na ring mapigilan, eh di Go! ‘we are in a free country’ sabi nga.. at saka, sa isang banda… lahat tau ay unique, and dahil dun, posibleng ang gusto natin ay ayaw nila or vice versa.. Basta isipin lang natin na, concern lang naman sila sayo.. Pero, susuportahan ka naman nila sa kung ano man desisyon mo…
*wink*
No comments:
Post a Comment