Wednesday, September 02, 2009

ABS-CBN Studio Tours

It was a no-stress day! On the 31st of August, Monday, in the year of our Lord (Amen!), my life has changed as I reach one of my dreams in life, which is to enter the grounds of ABS-CBN, one of my top 5 picks to apply for a job when I graduated in college. Oops! I mean, when I pass the heartbreaking CPA Board Exam pala muna.

It was really nice to have Ate Ruth with us, she’s been so sweet to us, though lawfully speaking we don’t have any relation with her (pinsan sya ng pinsan ko). It was through her that our long-time dream has been granted at last.

O eto na, start na talaga ng story! For my readers, imagine yourself, kasama ko kayo! Hehe… We traveled by taxi from our house here in Sta. Mesa to ABS-CBN. Buti na lang di gaanong traffic! We entered the gate as if wala kaming pakelam kung sitahin man kami ng mga guard, pero fortunately, they really don’t care, para ka lang pumasok sa mall, chek dyan, hipo don! pero as we enter the glass door, ayown na nga, unang-una naming nakita ay si Andrew E. with the Salbakuta, kakagaling lang daw nila from the live show of Wowowee. At first, we didn’t notice them, kala namin eh tourists den. Ang nakakatawa pa nun, si Andrew E. pa ang nagsabing ‘picture-picture’ daw, eh di syempre kami naman tong kuha the camera. Ayan clik don, click dyan… then aun, konting chitchat pero bye bye na din agad.



After nun, deretso agad kami sa office for Studio Tours, malapet sa studio ng Umagang Kay Ganda. Sa loob ng office, makikita mo ang mga frames dun ng mga picture ng mga Kapamilya Big Stars, I mean, ung mga bigaten talaga sa industry ng showbiz! What’s nice pa nga eh, sa tabi ng bawat pics nila ay may nakaframe ding pinatigas na white dough (ndi ko lam ang tawag dun eh), kung saan nakabakas ang mga kamay nila. Habang naniningin ng pictures, eh pumila na sila para makabayad for studio tours fee worth 150php per person and 120php for the senior citizens. May mga stickers din na kelangang idikit sa shirt as identification plus may souvenir ding napakanipis na ABS-CBN / Wowowee keychain. Pagkatapos nun ay inipon kami sa isang room para sa orientation. Chineck ang bawat isa if may mga lagnat, at swerte ulet, nakapasa naman kami lahat! Konting chikahan ulet with the speaker then the tour began.

Una naming nakita ang familiar na gate sa may pababang daan, kung saan everyday nakikita sina Kuya Kim, Donita, Rica at iba pang taga-UKG. Then umakyat kami sa Studio 10 - para lang palang tatlong pinagsamasamang AMV Classrooms yun, maliit sya pero sa TV mukang malaki. Dito pala sa studio na to ginaganap ang ASAP every Sundays, at ganun din ang taping ng Ruffa and Ai, pati na din ang mga scenes ng Dyosa, Kokey at marami pang iba. Ito daw ang pinakamalaki nilang studio among all. Lumipat naman kami sa katabi nitong Studio 9, dito naman ginaganap ang Pilipinas Game KNB. Kahit kelan, walang live na show ang PGKNB, lahat ay nakatape at may mga permanent audience na pala un. Then sa katabi naman nitong Studio 8, ang temporary set ng SNN. Sa TV kala mo napakasosyal ng inaapakan nina Kris at Boy, pero manipis na plywood lang pala at maliit lang. Pinaliwananag dito na ang aircon na ginagamit ay ung mga nasa taas na nakasabit na korteng malalaking ref kasi nakakonekta daw un sa mga machines at light effects; in addition, may malaking chance daw na masunog ang studio kapag ung ordinary aircon lang ang gagamitin dahil baka hindi nito kayanin ang init ng mga lights at machines.Pinakita din samen ang curtain na tinatawag na “CHROMA” or “KROMA” ata.. ah awanta, basta un daw ung ginagamit na tela para putulin ang katawan ng tao sa TV. Ang best example ay ang mga manananggal, isinusuot lang daw ung telang un paikot sa baywang at pwede ng matanggal sa TV ang kalahating katawan nito. Usually, green or blue na kulay lang ang applicable para sa Chroma, kasi daw, ung dalawang kulay na un lang daw ang ABSENT sa kulay ng ating mga katawan, para daw madaling maedit sa computer.

Bumaba na kami from the Studios 10, 9 and 8 at dumiretso sa loob ng mas feel-na-feel naming hallway ng ABS-CBN. Sa hallway makikita ang mga big frames ng mga mukha ng mga artista, mga sinauna man o mga bago. Hindi ko na maalala ang mga numbering ng studios, pero ang pinuntahan naming kasunod ay ang studio ng The Singing Bee. Ito daw ang pinakaluma naman nilang studio, dito pa daw ginanap ung 1vs.100 ni Edu Manzano at yung mga sinaunang show ng ABS-CBN. Uulitin ko ulet, maliit lang pala pag nakita mo sa totoong buhay, pero parang ang laki pag sa TV na. May nadaanan kaming pinto lang ng studio, nakasara daw kasi may mga delicate daw na equipment at saka pinoprotektahan. Sabi dun daw tinape ung buong barangay ng Home along da riles. Picture-picture ulet, tapos diretso naman kami sa studio ng Sharon. Nadaanan din namin ang dressing room nya at guest ata nya na si Gary V., magsstart na ata ang taping kasi pagpasok namin dun sa studio ay chinichek na ang mga lights. Dun din daw shinoshoot ang Banana Split at ung Goin’ Bulilit. Agen, maliit lang pala sya ndi tulad sa TV, sabi nung tour guide, may tinatawag daw na Wide-screen shot na ginagamit daw para magmukang malaki sa TV, kaya pati ang mga nakikita nating tao sa TV, lumalaki daw ng about 6 pounds.

Paglabas namin, deretso naman kami sa studio ng mga idol kong broadcasters, sa ABS-CBN Newscenter. Maliit pa sa classroom ko sa AMV ang size nung studio, kasi daw, ndi dun pwede ang audience. Magkakatabi lang pala ung para sa Weather Forecast ni Kuya Kim at nasa tabi lang pala nun ung set ng Bandila. Maliit lang pala talaga, sobra! Nakakaloko talga pag sa TV. Enjoy talga kasi nakita ko din ung TV na nagpoproject ng mga sasabihin ng brodkaster. May mga Light-tone lights din palang tinatawag na inilalapit sa mukha ng mga brodkaster, kasi daw sa 24/7 na work nila, dapat hindi mahalata na pagod sila. The more na malapit sa mukha nila ang lights, the more kumikinis ang balat nila at nagmumukhang Fresh at hindi pagod. Bago kami lumabas nung building na yon ay nadaanan namin ang studio ng WRR 101.9, nakita ko si DJ Chinaheart. Katabi lang rin pala nun ung DZMM Radyo Patrol Sais-Trenta (waah, talgang kumpleto diba! Anung sey nyo?!. haha). Makkita din sa tabi nun ung malaking logo ng ABS-CBN. Nagpapicture kami dun isa-isa at dumiretso na kami palabas. Nakasalubong namin si Charles ng SCQ dun sa pinaggaganapan ng Salamat Dok Med. Mission. Katabi din pala nun ung isang Hall na kung tawagin ngayon ay “Dolphy Theater”. Hindi kami nakapasok pero dun daw ginaganap madalas ang premiere ng mga movies at marami pang special occasions.

Dun natapos ang tour namin sa ABS-CBN – Alto Broadcasting System / Chronicle Broadcasting Network – dati daw itong magkahiwalay na kumpanya pero bandang 1960s ay naging isa na lang ang may-ari nito - ang mga Lopezes.

Around 4pm, kumain muna kami sa canteen at nagsimula na rin kaming pumila para sa pinaka-highlight ng pagpunta namin sa ABS-CBN, ang panonood ng Wowowee. Hindi live ang pinuntahan namin, kundi nakatape. Ipapalabas daw ito sa September 7, Monday. Dahil papunta ang Wowowee sa kanilang US Tour, 3 times a day nagsoshow ang Wowowee mula August 31 hanggang September 3 (Isang LIVE na napapanood 12-3pm at dalawang nakatape, 4-7PM at 8-11PM), kaya kawawang kawawa sina Pokwang at iba pa. Kailangan daw kasi nilang baguhin lahat ng nakatape na kasama si Willie kasi nga suspended sya at sa September 20 pa sya pwedeng makita. Mahaba pala ang pila dun at priority talga ang mga TFC Subscribers. Luckily, dahil kay Ate Ruth, una kaming nakapasok sa studio. Bumaba kami dun sa hagdan, matarik pala kada hakbang. Within 30mins, nagstart ang taping, at sa kasamaang palad, todo ang exposure namin dahil dun kami napapwesto sa mga kasama nung mga bata sa Willie of Fortune, kaya kada interview ay kitang kita kami sa pagkakaupo namin. Si Nikki Gil ang pinakaunang nagperform, kinanta nya ang ‘Nobody’ at sige naman kaming sayaw as what the floor director said. Ganun pala un, sa simula diba maraming party poppers, agad pala nila winawalis un habang hindi nakaharap sa camera. Kapag break, masayahin pa rin sina Pokwang, RR, Mariel, Valerie pati na rin si Chokoleit. Dahil nga nakatape, walang commercial kaya about a minute lang, start na naman! Medyo nakakapagod pumalakpak at magwowowee gesture, pero kelangan kasi exposure ito! Hahaha! Nakita din namin si Jason Gainza at si Gabby Concepcion. Nahawakan ko pa nga ang anak ni Gabby na mataba, nakatabi ko sya sandali pero pinalipat din. Napakacute na bata pala nun, sana pala hindi na pinalipat para nakaclose ko. Hahaha! Kapag breaks din, nagpapraktis pa rin ang mga ASF at naghohost ung mga nasa LAFLYN ba un?? Basta un.. About 2 hrs lang ung taping, biten pero sobrang saya naman. Umuwi na din agad kami, hindi na nakapagpapicture kasi may kasunod pa daw na taping.

So sana kahit NAPAKAhaba ng nilakbay naten sa blog kong ito ay napasaya ko kayo at may mga nashare din ako na ngayong ko lang din nalaman. Kaya abangan nyo ako sa September 7, Monday! Hindi lang tatlo o lima kundi mga walong beses kaming nakita sa TV gawa nung mga interview sa mga kasma nung mga nasa WOF.

Sana natuwa kau, feel free to comment po!

It was really a nice experience. :D

No comments:

Post a Comment