“Tita Lina, mahal na mahal ka namin, alam kong alam mo yan. Mamimiss kita, pero kahit kelan hindi ka mawawala sa puso’t isip ko. Hinding hindi ka namin makakalimutan. Maraming salamat sa alaga at pagmamahal na binigay mo, at sa mga pinagsamahan natin. Tita, dabest ka! :’)”
Isa na siguro sa pinakamasakit na pakiramdam sa buhay ng tao ay ang mawalan ng mahal sa buhay. Hindi ko maipaliwanag ang lungkot na nararamdaman ko ngayon. Nanginginig pa nga ang katawan ko dahil hindi ko alam kung papano tanggapin ang isang pangyayari na talagang magpapabago sa takbo ng buhay ko. Pano ako makaka-adjust na wala na si tita? Hindi ko pa rin alam. L
Napakalapit ng loob ko sa tita kong to, dahil masasabi kong isa sya sa talagang nag-alaga at nagpalaki sakin mula pa nung baby pa kaming magkakapatid at ng pinsan ko --- sya ang naglalampin at diaper samin, ang nagtitimpla ng gatas namin, nagpapatulog, nagpapaligo at nagbubuhat samin nung mga bata pa kami. Ako mismo, nakita ko sa mga videos na na-retrieve namin na talagang sobrang pag-aalaga ang binibigay ni tita samin. Sa dami din ng kwento nya tungkol samin nung mga bata pa kami, talagang madami na pala kaming pinagsamahan. Na-attach na ko sa tita kong to, kaya sobrang lungkot ko sa pagkawala nya.
For 1 year, nilabanan nya ang sakit na Ovarian Cancer Stage 4, pasalamat kami sa Diyos at natapos nya ang anim na Chemotheraphy at lumakas ulit sya, pero pagkatapos ng ilang buwan ay bumalik ang kondisyon nya at lumala ito. L Ramdam namin ang sakit na nararamdaman nya nung dinalaw namin sya. Pero pinaparamdam naman namin sa kanya na magiging ayos ang lahat at gagaling sya. Ayaw naming malungkot at panghinaan ng loob ang tita ko. Matapang ang tita ko, at malakas ang loob nya kaya nilabanan nya ang sakit, pero dumating na rin ang araw na talagang nasasaktan na ang tita ko, nahihirapan na sya makahinga at hindi na makakain. Hanggang sa huli, bakas sa mukha nya na gusto pa nya mabuhay at makasama ang mga taong mahal nya, pero pagod na at nasasaktan na sya ng sobra kaya bumigay na ang tita ko kaninang 2pm of 9/11/11. [umiiyak ako habang tinatayp to]
Sobrang lungkot ng pangyayaring to sa buhay ko, alam nyo yung pakiramdam na gusto ko pa sya makasama ng matagal, gusto ko pa sya gumaling, pero kung masasaktan at mahihirapan lang sya, mas ayaw ko yun. :’( Yun mismo ang nararamdaman ko. Pasalamat na lang din ako kay God na hindi na natagalan ang paghihirap na nararamdaman ni tita at magkikita na sila ni God sa langit. Oo, napakahirap at napakasakit na mawala sya pero kailangan naming tanggapin yun. L
Mamimiss ko ang tawa nya, ang panggi-gising nya sa umaga para di kami ma-late, ang ngiti nya sa gabi na nagpapawala ng pagod namin sa maghapon, ang mga kwento nya tungkol sa mga pag-aalaga nya samin nung bata pa kami, ang pagkamahilig nya sa Ice Cream at French Fries, ang pagluluto nya ng pancake para sa meryenda, ang pagsama nya sa pamamasyal naming magkakapatid at pinsan [barkada namin yan si tita talaga], ang mga regalo mong binibili para samin pag galing ka ng Divisoria, ang pagalala mo kung ano gusto naming pagkain sa lunch o dinner, ang adobo mo, ang imbento nating karne sa oyster sauce, ang nilaga, sinigang at iba mo pang luto. Napakarami pang iba tita, lahat yan mamimiss ko, uulit-ulitin ko na lang sa memories ko para maramdaman kong andyan ka lang. :’)
“Makakasama mo na si Lord dyan sa heaven tita, at alam kong titingin ka pa rin dito at para bantayan kaming mga inalagaan mo. T.T Ikamusta mo na lang ako kina Daddy Nge, Lolo Entong at Kuya RJ dyan ha?”
“Basta tita, gusto kong ipakita at iparamdam sa mga bumabasa nito ngayon na mahal na mahal kita at hindi kita makakalimutan. Andito ka lang lagi sa puso ko, nakangiti at kumakain ng Ice Cream at French Fries. J I love you Tita at salamat sa lahat lahat!”
O tita, may banat ako para sayo:
Condolence to all of you Kuya Nicol. I understand how you feel.
ReplyDelete