Monday, March 26, 2012

4ma7 Sem-ender Outing! :D

*nag-ring ang bell.

1:00PM Hindi pa man lang ako nakaka-react kung ano nangyare sa exams namin nung araw na yun, kanya-kanyang buhat na agad ng mga bag ang mga kasama sa outing. Nag-lunch na muna ang lahat, at napagusapang magkikita ng 2pm sa AMV Tree. Nagdecide kami ng mga kasama ko na kumain sa KFC hanggang 2.15pm.

2:30PM Nakumpleto na ang listahan ng mga kasama. Mardian. Joyce C. Mariel. Atheena. Abe. Sandae. Darel. Pahuts. Shara. Kamz. Des. DJ. Mark L. Nelson. Keith. Jay. Arnold. Carlo. Ako. Nauna na si Marge sa Cubao, dun kasi kami sasakay papunta sa bulacan.  Sina Liza at Janerin naman ay dun na din makikipagkita dahil kukunin pa nila ang gamit nila. Sumakay na kami ng jeep, di kami nagkasya sa isa lang, 19 ba naman kami. -_- Humiwalay kaming apat nina Nelson, Arnold at Carlo. Sobrang lakas ng ulan. Walang may payong samin. Lagot. Pero dumating kami sa Baliwag Transit at dun na kami magkakasamang 22.

4:00PM Nilakad pa kasi naming mula Cubao hanggang Baliwag Transit, kaya medyo behind schedule ang pag-alis namin. Halos kalahati ng bus okupado namin. Sayang kung kumpleto ang klase, pagsakay pa lang siguro ng lahat, aalis na yung bus. Haha.

6:00PM Nakarating kami sa bayan ng Bustos, Bulacan. Dumaan muna kami sa 7-eleven para bumili ng yelo. Saka kami dumeretso sa sakayan ng tricycle para makarating sa Galilee. Tatluhan sa isang tricycle. Kinse isang tao. Para safe, isang lalaki sa backride at dalawang babae sa loob. Nagkakahabulan pa ang mga tricycle na parang Amazing Race lang. haha.













6:30PM Nakarating ang lahat sa Resort, dun na naming nakita si Mark S – and 23rd outing-er. Hinintay muna namin si Tita Annie, nanay ni Marge, sya ang nagpa-reserve para sa min. 

7:00PM Finally, the outing officially started. Naka-check in na kami sa Room 117, with 20 beds. Ako ang Key-Keeper. Nagbihis na kami, kasi most of us naka-uniform pa rin. Haha. Afterwards, lumabas na kami para iprepare ang food at kumain. Dapat sa private pool ng mansion muna kami, pero dahil may debut, pinalipat muna kami sa resort. Dun na kami nag-ihaw ng ulam namin for the night. Si Kamz na talaga ang sobrang maasikaso, sya ang punong abala sa pag-iihaw ng Tilapia, Pork BBQ at Hotdog. Habang nag-iintay ay nagswimming na muna ang iba sa pool. Ang iba naman ay nag laro ng tong-its.


Kumain na kami ng dinner, ulam naming ang adobo, grilled pork bbq, grilled bangus at hotdog. Nag-swimming na ang lahat pagkatapos nito. Dun kami sa adult pool, lagpas tao. Grabe. May slide din dun. Kaso maikli lang.


 FIRST GAME: Swimming Pool Game: 1 vs the odds.

Maghahawak-hawak ng kamay ang lahat ng mga kasali, pero may dalawang bida. Yung manghuhuli (taya) at yung huhulihin (bida). Kakampi ng lahat ng kasali ang bida at tutulungan nila si bida para hindi mahuli ni taya. Haharangan ng lahat ng kasali si taya para di mahuli si bida. Pag nahuli si taya, tapos na ang game. haha. Mahirap sya pramis. May kasamang tili pa ang mga girls at bungguan talaga. Hahaha.

SECOND GAME: Swimming Pool Game: Caterpillar

            May isang taya, lahat ng kasali ay lilinya habang nakahawak sa likuran ng nasa unahan. Ang goal ng taya ay mahuli ang pinaka-huling member ng caterpillar, at ang role ng caterpillar ay protektahan ang pinakadulo nito. Kapag nahuli ni taya ang dulo ng caterpillar, magiging kakampi na nya ito. Hanggang sa humaba na rin ang linya ng taya at maging dalawa na ang caterpillar. Dapat talaga maghuhulihan ng buntot ang dalawang caterpillar pero hindi nangyari yun. Hahahaha. Puro tili din ang nangyari. Mahirap gumalaw kasi may nakahawak sa likod mo. Pero masaya.

THIRD GAME: Swimming Pool Game: Agawan Base sa Pool

             Nahati sa dalawang team thru JnP (jack en poy), isa sa mga winners, at isa sa mga losers. Alam nyo naman ang game na to, pinagkaiba lang, nasa tubig, tapos ewan ko kung bakit wala kaming kalaban-laban, kasi daw kami lang huhulihin hanggang maubos daw kami. Kami namang mga uto-uto, sunod lang. sabi nila eh. Haha.

12:00AM Tapos na daw yung may debut sa private pool, pwede na daw kami lumipat, kaya nagpack-up na kami sa cottage at lumipat sa private pool. Naligo pa rin yung iba, yung iba naman at nag-shower na sa room.

FOURTH GAME: Swimming Pool Game: Lusutan

                Simple lang. Lulusot sa ilalim ng legs ng mga nakapila ang swimmer hanggang dulo ng mga nakapila. Tapos susunod na yung pinaka-unahan. Kapag di mo nalusutan lahat, may ‘truth’ na naka-abang. Haha. At may nalaman ako dito. >:))

1:30AM Pumunta na ko sa kwarto para magshower, tapos after nun, naglaro na kami ng mga cards.

FIFTH GAME: Indoor Game: Monopoly Deal

                Mahirap explain ang mechanics. Paturo kayo kay Mark L. haha. After neto, nagkayayaan na maglaro ng maramihan.

2:30AM

SIXTH GAME: Indoor Game: Who’s the Killer

                Kumuha ng cards sa deck na pareho ng bilang ng mga kasali, pero dapat may Jack, Queen at King. Ang Jack ay Police, ang Queen ay Doctor, ang King ay Killer at ang mga Numbers ay Citizens . Ang goal ng game ay mapatay ng Killer ang lahat ng Citizens. Para mapatay niya, kikindatan nya ang mga kasali, pero dapat maingat sya kasi pag nakindatan nya ang pulis o pag nahuli sya, dun na matatapos ang game. Ang role naman ng doctor ay buhayin ang mga napatay na ng killer. Kikindatan din nya ang mga namatay para mabuhay. Kapag namatay ka na, sasabihin mong “I’m dead” pero pag nabuhay ka na ulit, sasabihin mong “I’m alive”. Pag napatay ng killer ang doctor, sasabihin nyang “I’m the doctor and I’m dead”.  Kelangan galingan ng pulis ang paghuli, para mahuli agad si killer.

                Modified Game: Dalawa ang killer, dalawa ang pulis at isa ang doctor. Same mechanics, pero pag nahuli na ng isang pulis ang isang killer, di na sila kasali sa game. 1 is to 1 kumbaga. Masaya tong game na to. :D May add-on pa na “truth” kapag nahuli ang killer.

                Funny Moments: hinuli ni Jay si Mark, na kapareho nyang Pulis! Hahaha! , nakindatan ni Joyce si Carlo, pero walang reaction kasi killer din pala. Hahaha!


4:00AM

Di pa nangangalahati yung Gin na nakalagay sa isang water container na may gripo. Tatlong gallon lang naman an GSM Blue na hinaluan ng Tang Strawberry Juice at Sprite yun. Halos mapuno yung container. Haha.


SEVENTH GAME: Four Kings (ETO NAAA!)

                Nakalagay ang buong deck sa gitna ng circle of friends. Bubunot isa-isa ang lahat ng kasali. Bawat card ay may corresponding meaning. Eto:
  • Ace        - Shot ng nakabunot.
  • 2              - Shot ng ALL Girls
  • 3              - Names. Magbibigay ng category yung nakabunot (e.g. Professors sa AMV), tapos sunod    sunod na magbibigay ang mga katabi, hanggang may maubusan o may maulit na sabihin. Pag naubusan o nasabi na yung sinabi mo, shot mo.
  • 4              - Shot ng nasa Left mo.
  • 5              - Brand. Same rule from 3.
  • 6              - Safe Card. Pwede mong i-keep yung card para kung may task na shot mo, pwede mo gamitin yun para di ka mag-shot.
  • 7              - Shot ng nasa Right mo.
  • 8              - Sentence. Dugtungan to (e.g Boy1: Ako; Boy 2: Ako si; Boy3: Ako si Budoy) Sunod sunod yan hanggang maubusan ulit.
  • 9              - Rhyming Words. Si nakabunot ang magsisimula.
  • 10           - Shot ng ALL Boys
  • Jack        - Turo. Ikaw ang tuturo kung sino gusto mo mag-shot sa mga kasali
  • Queen - Color. Same rule from 3.
  • King       - May Apat na king sa deck. Pag nabunot mo ang 1st King, maglalagay ka ng kahit anong gusto mo sa isang baso, kahit ano (toyo, patis, alak, sipon, laway [yak!] ) Pag 2nd King na, dadagdagan mo yung nakalagay sa baso. Ganun din kapag 3rd king. Pag 4th king na. Ikaw ang iinom ng mga nakalagay sa basong yun. YAAAAAAK!


Ayan na nga, nakatulong ang game na to para maubos ang Gin, pero nakatulong din to para mabasag ang lahat. At pag sinabi kong basag. BASAG na BASAG!  Hahaha.

1.       Sa Color, category: Rainbow, sabi ni Carlo, Purple daw! HAHAHA. ROYGBIP?? =))
2.       May kinekwento si Marge, tapos sumagot si DJ bigla, ESKOLMEYT daw nya yung anak ng dean. Dumagdag si Mardian, nakatira daw sa ESKIMO at nag-eESKAYTING. Hahaha!
3.       Inakyat ni Gagamboy (Jay) lahat ng double deck!
4.       Direktor daw si DJ at Producer daw si Jay, at ako daw ang Actor. Ewan ko kung ano pinaguusapan namin nun. Pero puro tawa pa rin kami.
5.       Nakakita kami ni Mariell ng RAINBOW sa bintana ng CR. Di ko din alam kung bakit nakakatawa to. Hahahaha.
6.       Tinanong ko daw kung pwedeng kainin yung Uling.
7.       My evil laugh. >=))
8.   Nakapag-lucky 9 pa kami, ang tingin ni Liza sa King ay 4. HAHAHAHA.
9.       Di ko na maalala yung iba, tanungin nyo ung mga matitino, sila naka-witness. Haha

Eto pa, unang nakabunot ng King ay si Joyce, nilagyan nya ng Chuckie. sya din yung pangalawa, nilagyan nya ng Champagne,  ako yung third, nilagyan ko nung Gin. Guess what. Ako yung FOURTH KING!  =))))) :&

6:30AM Kumalma na ang lahat. Pinatulog na kami, sobrang dami na kasi nagising at sobrang kulit na talaga namin. Whew. Humabol pa ko ng isa pang tagay. HAHA.

9:30AM nung nagising ako, nagbreakfast na yung iba, ilan na lang kami natitira. Pinadala na lang yung breakfast sa room kasi late na. Isang cup of rice, sunny side-up egg at isang ham. Samantalang dumeretso na agad sina Kamz para mag-ihaw ng lunch. Sobrang sipag at bait nya lang talaga. Naglaro pa rin ng Monopoly Deal ang ilan at nagiimpake na ang iba.

11:30AM nung nagpunta kami sa Wave Pool, pero wala ng wave at sobrang dami nung tao, kaya dun muna kami sa may kabilang pool sa may dulo. Bumalik naman ako sa private pool para sana invite sila dun pero nagsiswimming na sila sa private pool, kaya nakijoin na lang ako sa kanila. After nun naglunch na kami, liempo, grilled tilapia, BBQ ulit plus may pansit pa.








Nag-pack up na rin ang iba pero may pahabol pang swimming hanggang 2:30PM.

LAST GAME: Swimming Pool Game: Dr. Quack Quack, Swimming Pool Edition.

After nun, tuluyan na nagready ang lahat, dahil kelangan na naming mag-out by 4PM.

Nakarating kami ng Manila ng 6:30PM at nakauwi ako ng mga 7:30 PM. And that’s how the outing ended. Pauwi pa lang ako namimiss ko na agad sila. 2 months bakasyon, pero 2 months ko sila di makikita. </3
Sobrang saya lang ng Outing, sana mas marami makasama next time. J

               


          

1 comment:

  1. Napadalaw ako sa blog mo at binasa ko ulit ito.
    Tawang tawa pa din ako. Bongga. HAHAHAHA lalo tuloy kitang na-miss T.T

    Ingat ka lagi, Nix <3

    ReplyDelete