Siguro nga nakatulong ang Cellphone para mapadali ang ating communication sa iba, lalo na sa mga kaibigan nating matagal na nating hindi nakakausap ng personal. :D
At isa pa, nagiging stay connected tayo sa family natin abroad. Sabi nga ng Globe, "abot mo ang mundo!"
at pag naman hihingi na ng money from province, text ka lang, “ma, penge pera!” at least piso na lang .. eh diba pag tumawag ka pa sa phone eh, aabutin pa ng mahal kase pilit may kasamang kwento diba.. hehe..
isa pa, para sa mga nagaalalang mga magulang, text lang si anak na gagabihin, ayus na ang problema! (asus, gagabihin daw sa proj, pero may lakad naman pala ang barakada.. diba diba?! haha)
pero sa kabila nitong mga advanteges na to, hindi pa rin maikakaila na may ilang mga disadvantages ang cellphone communication na nagiging cause ng misunderstanding:
unahin na natin sa pamilya, kung minsan, ang mga anak sobrang nagre-rely sa text, eh kung minsan naman may mga problema ang networking, kaya di nakakarating ang mga messages. Isa pa ginagawang reasons ng mga anak, na “ah?! nagtext po mandin ako, hindi nyo po ba natanggap?” o diba.. kala nyo ha.. hmmmp..
isa pa, sa studies, naku, ndi ba kayo nagaalala na pag pabata na ng pabata ang gumagamit ng celphone eh, magiging “text-minded” na sila, naku pano kung:
Teacher: Okey, class, spell “knowledge”?
Students: (sabay-sabay pa) N - A - L - E - J , nalej!
naku, malaking porsyento ang itataas ng mga batang ILLITERATE, at baka magkaron pa ng subject na CELLPHONOLOGY - study of NEWEST brands ng Cellphones. >.<
Sa pagaaply naman ng trabaho, panu kung sa hilig mong magtext eh may mangulit sa yo, naasar ka kaya nagpalit ka ng number. Ayun, gawa ulet ng bagong resume, isa pa, MALAS mo kasi ndi ka na makokontak ng kompanyang inaplayan mo.. tsktsktsk..
At ito pinakamadalas naten maramdaman, sa mga kebigan naten,, lalo na dahil sa ang lagi nating katext eh ung mga ka-age naten..
take this as an example:
Juan: Pare, kamusta na?!
Pedro: Eto, aus naman, ikaw ba?
Juan: aus lang rin.. asan ka?
(natagalan magreply dahil may ginawa)
Juan: anu gwa mo?
Juan: kamuzta si Maria?
Juan: Ayos ba naman kau? Matakaw pa rin ba?
Juan: Pre asan ka na, makulet na ba ako?
Pedro: OO SOBRA!
- ibig sabihin ni Pedro, sobrang matakaw pa rin si Maria..
Juan: Ah ganun ba.. cge pare ganyan ka na! :|
Ending: hindi na msyadong nagpansinan ang magkaibigan..
Actually nangyare na saken yan, pero buti nagkapaliwanagan.
Pero bukod dun.. sa sobrang katetext, at nasanay ka na laging nagkakatext kayu, at isang araw hindi na nagtext, magtatampo ka?! eh posibleng nagpalit lang ng sim o kaya, maraming gawa, ayan , nasira pa ang pagkakaibigan nyo.. tsktsk.
Anyway, whatever happens, mangingibabaw pa rin ang advantages ng text messaging kesa disadvantages, kaya lang minsan nagkakatampuhan dahil namimisiinterpret.. kelangan lang naman ay pasensya at tamang paggamit para magkaintindihan. :D
ahmmmmmmm....
ReplyDelete