Sunday, September 07, 2008

HIGHSCHOOL FRIENDS during COLLEGE DAYS.

Date: September 7, 2008

Places: Brisa’s Dorm, Gateway, Farmer’s Cubao

Planado na na may meeting ang barkada, yet nagdalawang isip pa akong sumama, kasi alam ko na kokonti lang naman ang makakarating for sure.

Tinext nako nitong bestfriend ko, asan na daw ako. Sabi ko “dito pa hawz, nagdadalawang isip pa ko eh.”, but i sensed na madami na ata sila.

Kaya, nagmadali akong mag-ayos ng sarili ko, sumakay ako ng RRCG, bumaba ng Recto, lakad kina brisa’s dorm, hanggang sa nakita ko sina:

louies, my cute little sister

arvhie, the sweet joker, she got her hair cut, kaya naninibago ako nung una.

emerson, the self-defender

brisa, my long lasting buddy

and

Jei, the golden girl in her yellow shirt (favorite color din nya yun).
while waiting for others to arrive, naghalo-halo na lang muna ang iba.

Then, finally we decided to fetch them from the computer shop. Going down the stairs are the DOTA Varsities namely:

Fred, the guy in his dream hairdo

Ped, the all time “peki” ng barkada

Archie, the future “volcano maker” (hahaha!)

and Tabor, the ever critic-minded person..
Sa Gateway, through the LRT line 2: brisa, arvz, mec, jei and i exchanging jokes with that “blackstreet”, the “death of a maya on a rainy day” and the “kalabaw and the mango tree”.

As we walk, we reached gateway, hindi kami tumigil sa pagtatawanan at palaisipan. 

We met Ace, hasn't changed a lot. Tapos si libardo, who changed a lot, w/ eyeglasses and his cool hairstyle. Lastly, we met thea on her yellow jeans and loose shirt.

Sa Farmers' Plaza kami kumain, isang mall malapit lang sa gateway, at nawala pa tong si Tabor. haha. 

Hindi kasya ang dalawang table para magkasya kami. Dumating din kasi si Kath A., ang witty pretty ng barkada at si Rain, ang tallest of us all. Naka-violet pa pareho, aba at nagusap ata. haha.

Pagkatapos namin kumain, pumunta ulit kami sa gateway cinemas floor para pagusapan sa carpet ang binabalak na outing for sembreak.

At wala pa ring napagdesisyunan kung kelan. hahaha.

Pero pagkatapos nun, go home na ang lahat. LRT pa rin, kaso iba iba na destinasyon… V. Mapa, Pureza, Legarda and Recto.. - dyan naghiwalay ang lahat.

15 pala kami nakarating… nakakatuwa.. hehehe…

I conclude:

Old friends are still the best of all.. kahit na magbalak pa na wala namang patutunguhan.. importante ay magkakwentuhan at magka-sama-sama. Wala pa ring tatalo sa samahan ng aming batch.

“..spread the PAX virus..”

No comments:

Post a Comment