Date: October 12, 2008
Place: Sto. Domingo Church, Quezon City
One Sunday, hindi namin alam kung san kami sisimba kasi kaarawan ng ate ko, pero maya maya, nakapagdecide na din kaming sumimba sa Sto. Domingo Church sa QC. Kase balita ko, piesta daw dun, at isa pa, that will be the first time na makasimba ako dun. I am expecting na isang simpleng misa lang ang maaabutan namen. But, at around 6:00 in the evening, pagdaan namen sa Quezon Avenue, nakasara ang road kase may procession. Nagulat talaga ako kase first time ko na makakita ang procession sa manila. And as we approach the street, napilitan na kami bumaba sa isang kanto dahil sa sobrang dami ng sasakyan eh walang parking lot sa paligid.
Sa bungad pa lang ng simbahan ay nandun na ang mga tao sa mga tindahan sa paligid habang hinihintay ang mga santo at ang may Feast Day na birhen. Hindi ko akalain ang dami ng tao, mas marami pa nga ang mga nagbebenta ng mga umiilaw na laruan at mga palamigan, katabi pa ang ambulansya kung sakaling may mga manghimatay o masugatan ay may handang rumesponde. Habang naglalakad kami papunta sa simbahan, narealize ko, “oo nga pala, Maynila nga pala to kaya maraming tao.. hahaha.. :-)”
Pagpasok ko sa loob, 10 times pa pala nung mga tao sa labas ang dami, as in, approximately mga 8000+ ang bilang nila. Pero nagpumilit pa rin kami makapunta sa gitna para hintayin ang birhen. Mga 45 minutes lang naman kami naghintay na nakatayo sa may parteng gitna ng simbahan. Buti na lang nag-shower ako bgo pumunta, hindi muna ako pinawisan, pero 20 mins of waiting, nagsimula ng uminit ang paligid sa pakiramdam ko, at masama pa nito, wala kaming dalang pamaypay man lang, kaya papel ang gamit namen. Hindi pa rin sapat yun para maalis ang ramdam naming init, dahil sa panay na panay na imik ng mga tao, lalo pang uminit. Ganito lang naman kahirap maghintay. Ngunit… napakaimportanteng simbolo dahil sa ito ay imahe ni Mama Mary.
Pero sino nga ba ang hinihintay namin sa loob ng simbahan? At baket nga ba ganun na lang sya dumugin ng mga tao? na para bang tulad sa Nazareno, na halos hindi na makagalaw dahil sa dami ng tao.
Ang pangalan ng image ni Mama Mary na hinihintay namen ay OUR LADY OF THE MOST HOLY ROSARY OF LA NAVAL DE MANILA, this year ang ika-101 anibersaryo nito sa simbahang iyon. Dito pa lang mapatutunayan na dinadayong talaga ng mga tao ang birhen taon-taon para magbigay-pugay sa kanya.
O heto na at dumating na nga ang image ni Mama Mary, at sa pagpasok pa lamang nito, sumigaw na ang lahat ng tao sa loob ng simbahan, habang ang bawat isa sa kanila ay nagwawagayway ng kanilang mga panyo bilang pakita ng malakas na debosyon sa birhen. Kasabay pa nito ang malakas na putukan at fireworks sa labas. Pati na rin ang paghahagis ng mga petals ng rose mula sa itaas ng simbahan. Ang iba pa nga ay nagsitayuan na sa mga pews makita lamang ang birhen. Kinukuhaan ng litrato ang bawat pagdaan ng birhen patungong altar. Samantalang ang iba naman ay halos lumuha sa pagkakita rito, dahil na rin siguro sa pagiging mirakulo ng imahe. Kasabay ng pagpasok ng birhen ang pagtugtog ng brass band mula sa labas at ang pagkanta ng isang malaki at magaling na grupo ng choir ng simbahan.
Siguradong kung ikaw ang nasa lagay ko’y mangingilabot ka sa tuwa na kahit napakaraming kasalanan ng mga taong ito, heto pa rin tayo at hindi tumitigil sa pagmamahal natin sa Diyos pati na kay Mary. Maiisip mo rin na kahit sino pang artista ang itapat sa kanya ay walang-wala kung pagtitili ang paguusapan. Tumaas talaga ang balahibo ko sa sobrang touch sa mga nangyari.
Ang damit ng birhen ay para bang ginto sa kinang. Ang bawat tama ng ilaw sa mukha ng birhen ang lalo pang nagpapakinang sa korona nito sa ulo. Putting puti ang kanyang mukha na napakaaliwalas. Pati ang rosaryong hawak nito ay nangingintab na parang mga binilog na ginto. Ang damit niya’y sadyang kay kinang na may mga pino at nakakasilaw sa ganda. Hawak nito ang kanyang Anak na si Hesus, na singkintab ang damit ng sa kanyang ina. Sa unahan ng birhen ang mga anghel na wari mo’y tumutugtog sa galak.
Nakakapangilabot hindi ba?! Kwento pa lamang ito, at wala sa kalingkingan sa sayang naramdaman ko ng makaexperience ng ganito. Napawi ang pagod ko sa pag-iintay, lalo na ng tumapat ang birhen sa tapat ko. Nakalimutan ko ang mga problema ko sa sandaling iyon, at nakadama ako ng sobrang kaligayahan, na sabi pa nga ng pari sa sermon, ay “glimpse of heaven”. Nakadagdag pa ng saya para sa akin ang pagbibigay-pugay ng bawat tao sa birhen. Sobrang saya nilang pagmasdan na pinapakita nilang, kahit na gaanong hirap pa man ang maranasan nila ay handa nilang gawin para makalapit sa birhen. Ganito din ang naramdaman ko, ngunit sa hirap gumalaw sa aking kinatatayuan, ay wala na akong nagawa kundi ang kunan na lamang ito ng litrato gamit ang cellphone ko. Isa na ata ito sa hindi ko makakalimutan na experience in the religious aspect of my life.
Nakarating na nga sa gitna ang birhen. Lalo pang lumakas ang sigawan ng mga tao, pati na ang pagtugtog ng banda, gayundin ang pagkanta ng koro sa unahan, at lumakas pang lalo ang pagwawagayway ng mga panyo. Maiisip mo talaga na para bang binibigyan ka ng napakalakas na pwersa mula sa puso mo na nanggaling mismo sa birhen. Ganito ang naramdaman ko habang nasa loob ng simbahan. Maya maya pa ay kinanta na ang isang awit para sa Ina, Latin man ang lingwahe ng kanta, isa rito’y ang ORA PRO NOBIS. Pagkakanta pa nga ay tinanggal na ang birhen sa pagkakakabit sa mga anghel upang dalhin sa gitna ng altar.
Sa gitna ng altar ay may inihandang lugar sa gitna upang paglagyan ng Mahal na Birhen. Wala na tilang mas gaganda pa sa mukha ng birhen. Mata pa lamang nito’y nangungusap na. At ng magsimula ng tumaas ang imahe, na gaya ng mga nananalo bilang Grand Star Dreamer. Ngunit higit pa rito ang ipinakita ng tao sa pagbibigay-pugay sa Ina habang itinataas. May mga usok pa mula sa kinatatayuan ng birhen, na nagdagdag pa ng ganda sa kanya. Mawawari mo’y parang buhay ang imahe at nakangiti sa mga tao. At pagkatapos ng pagkakaaangat ay nabuhay ang mga ilaw sa altar. Ganito na lamang kung ipaghanda ng mga tao ang pagdiriwang ng ganitong piesta.
Pagkatapos ng kaunting mga dasal at pasasalamat mula sa kaparian ay tinapos na ang programa. Sumunod na rito ang misa sa alas-siete, kaya’t sumimba na rin kami.
Sa homily ni Father, may mga bagay siyang gustong ipaliwanag sa mga tao. Una na nga rito ay kung bakit nga ba, kelangan pa ng prusisyon, eh ayon nga sa kasabihan, “Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa Simbahan rin ang tuloy..” Kaya nga napapaisip tayo, bakit nga ba ganun. Sinagot ito ng pari, at ayon sa kanya, kelangan nating ipakita ang UBE – Ultimate Bonding Experience, dahil ang prosisyon ang isa sa paraan kung pano tayo nakikisama sa ating mahal na birhen, sa mga santo at higit pa sa Panginoon. Kadalasan pa nga, ayon sa pari, kapag siya ay kasama sa prusisyon, at nasa banding huli sya, nakikita nya ang mga taong taos-pusong nagdarasal habang naglalakad, at kapag daw tumitigil ng sandali ang prusisyon, nakikita daw niyang lumilingon ang mga tao sa mahal na birhen. Para bang nakakatanggal ng pagod ang mukha nito. Masasabi kong totoo nga naman ang mga ito, naiisip natin na worthy naman ung pagsama naten sa mahabang prosisyon.
At isa pa ay ang isang dahilan ng pagiging masugid na deboto natin sa mahal na birhen. Ayon sa pari, nais ng mga tao na maging katulad natin sa Maria sa kabilang buhay. Iniisip natin na sa pamamagitan ng ating pagpahayag ng debosyon ay naipapakita natin ito.
Sa kabila ng lahat, anumang pagpapakita natin ng ating debosyon, mapatahimik lamang o may kasamang pahid sa santo, pareho namang makakarating sa Panginoon. Salamat at mayroon tayong Lady Mediatrix na handang tumulong upang maihatid ang ating mga panalangin.
“Ultimate Bonding Experience”
_nix_
No comments:
Post a Comment