Date: October 17, 2008
Place: (Part 1) Camille’s Residence
Dumating na sa buhay naming Batch 2008 ng OLAA ang kauna-unahang sembreak sa college life namin. Kaya naman ang bawat isa sa 'min ay excited na magkita-kita ulet para makapagkwentuhan. Napagkasunduan na magkakaroon ng isang outing para magkasayahan ang lahat.
Part 1. Isang drinking session bago ang class reunion…
Hapon ng October 17 nang nagkausap ang magkakabarkada na magkaroon ng isang meeting para sa gagawing outing kinabukasan. Kaya naman agad na nagpunta ang iba para malaman ang mapag-uusapan.
Kasama ko sa pagpunta sa bahay nila ay si Regine, pero pagdating namin dun, si Jea, Arvhie at Camille pa lang ang nandun. Sabi nila, nagdodota daw muna ung iba habang naghihintay, hanggang sa dumating sina Mary at Patrick. Maya-maya, naisip namin na total wala pa naman ang iba, lalabas din muna kami para makapaglaro din ng Dota. Habang naglalakad, nakasalubong namin sina Grace at Mitz, papunta rin daw sila kina Camz. Hindi na kami masyado nakapagkwentuhan masyado kaya pumunta na kami sa Jeapels.
Sa Jeapels naman, nakita namin si Kathlene kasama ang kapatid nya, sabi nya hihintayin pa daw niya si Rain dahil susunduin sya dun. Kami naman ni Redge, naglaro na kami ng Dota, pero pagkatapos ng laban namin ng 1-on-1, hinamon kami ng kapatid ni Sotto ng isa pang laban, unfortunately, dalawa na nga kami, talo pa rin (haha..!). Hindi namin namalayan, nakadalawang oras na pala kaming naglalaro, kaya naman, nagmadali na kaming bumalik ulit kina Camz.
Pagdating namin dun, kelangan na pala umuwi ni Redge kasi gumagabi na, buti na lang nakahanap sya ng makakasama. Pagpasok ko sa loob, nagsimula na pala ang “meeting” – isang meeting na nahantong sa inuman… Kadalasan na nangyayari sa barkada na pag nagkakaramihan sa isang panahon, nagkakatuwaan na magkainuman habang nakikinig sa music lalo na ang mga RnBs kaya hindi na ako nagulat.
Hindi ko akalain na ganun pala kami karami. Nandun sina Archie, Erik, Djay, Sotto, Jea, Arvhie, sumunod din maya-maya si Louies. Andun din si Mitz pero hindi sya uminom at hindi rin nagtagal kasi gabi na masyado. Si Thea din, na sumama saken maghapunan ng siopao. Dumating din si Lucky, pati na si Patz at Ace. Kasama din ang laging bumubuo sa ming lahat na si Rain. Pati na ang mahilig tumawang si Bonn, pati si Ped. Andun din sina Tabor, Libardo at Fred. Nakita ko rin si GJ. Dumaan din si Alexz, pati si Redge, at si Kathlene din na napakalambing. At syempre si Grace, ang reyna ng inuman, (hehe..!) na hindi nagpigil sa paginom kaya naman tinopak na naman. At siyempre si Mary at si Camz.
Nitong time na to, dumating din from Lucena si Mea, kase pinilit ko syang sumama sa outing the day after that. Kaya pumunta ako sa may Janken para salubungin siya. Medyo nakapagkwentuhan lang kami ng konti, kaze gabi na. Medyo pagod pa nga sya kasi kakagaling lang sa practice taz uwi agad. Nung dumating na ung tatay nya, nagbye na ako at sabi ko sumama sya kinabukasan. Tapos bumalik na ulit ako sa bahay nila Camz para makisaya.
Nahuli man kami ng konti, at naabutan ko nga na may mga nakahiga na dahil sa hilo, at may isang nagwawala na – si camz lang ang nakapagpahinahon, may natira pa naming Brandy para sa mga di pa tinatamaan masyado at sa mga bagong dating. Marami ring napagkwentuhan ang lahat at siyempre ang mga balak para sa outing.
Wala sana itong session na to kung hindi dahil kay Camz. Pinili nya na magpaiwan dito, para sa mga gusto syang makasama at para rin makita niya si Mary. Sobrang pagod nitong babaeng to, bawat may nabili, kelangan nyang itigil ang ginagawa niya para lang dun. Hindi na nga ata sya nakakain ng hapunan sa sobrang asikaso. Siya rin ang nagtimpla ng mga kape ng mga nahihilo at sa mga may gusto. Siya pa ang magaasikaso kapag may nahihilo. Hirap man si Camz pero, hindi sya tumitigil o nagrereklamo man lang. Basta tumahimik lang daw kami kasi may mga tao pa sa kabilang bahay na natutulog na. Sabi ko nga, ang laking kaibahan ng mangyayari kung wala si Camz.
Bago pa mag-alas dose ng gabi, may mga nakitulog na rin sa bahay nila Camz. Umuwi na rin ang iba para makapahinga muna bago ang outing bukas kasi nga overnyt.
Abangan sa isa pang blog ang mismong nangyari sa reunion ng klase…
“…ang laking kakulangan kung wala si Camz. “
_nix_
No comments:
Post a Comment