“No man is an island…” – isang popular na quotation para iprove na hindi kaya ng taong mabuhay ng walang kasama.
Hindi natin mapapatunayan ang sarili natin kung sino talaga tayu kung hindi dahil sa pagtingin ng iba sa atin. Hindi mabubuo ang pagkatao natin kung hindi dahil sa mga feedback na natatanggap natin sa mga nasa paligid. Naapektuhan nito ang ating kilos, nalalaman natin kung ano ang tama at ang mali, pati buong pagkatao ay apektado.
Ang pagiging kaibigan ay hindi basta-basta, ito’y may espesyal na dahilan – ito ang pagbibigay mo ng buo mong sarili para sa iba, dahil alam mong aalagaan nila ito at hindi pababayaan, palalaguin at huhubugin ayon sa nararapat.
Ngunit minsan, hindi rin nagiging tama ang paghubog na ito. Dahil may mga taong nandyan para impluwensyahan ka sa masamang bisyo at mga gawain. Kinokontrol nila ang isip mo, hanggang sa makatulad ka nila.
Hindi ako naniniwala na may mali sa pagpili ng mga kaibigan, nasa atin mismo ang desisyon kung paano tayo tatanggap ng impact mula sa iba. Tayo lamang ang nagpapaapekto sa mga ito dahil maaaring, gingusto mo ang mga maling gawain dahil gusto mo lamang magpakasaya at kalimutan ang problema, nang hindi man lang inaalala ang pwedeng maging epekto nito sa buhay mo.
Bawat isa sa atin ay may pagkakaiba ng ugali. May kanya-kanya kasi tayong pinanggalingan pamilyang ating kinalakihan. Pamilya ang pinakaunang factor sa pagkabuo ng ating pagkatao. Mapapansin natin na mas nagiging malapit sa isa’t isa ang dalawang taong halos nagkakapareho ng karansan sa pamilya. Ngunit madalas din naman, may mga taong hindi nagkakaintindihan ng nararamdaman dahil magkaiba sila ng mga ‘values’ na naituro sa kanila ng kanilang mga magulang.
"The purpose of friendship is not to have someone who might complete you, but to have someone whom you might share your incompleteness with…”
Hindi porket may mga kaibigan tayo, hahayaan na lang natin sila ang magdesisyon para satin at sila maghanap ng solusyon o ipabuhat sa kanila ang problema natin. Kahit naman sino, ayaw na may mamomroblema ngdahil lamang sa kanya.
Ang kaibigan kahit kalian ay hindi intensyon na ipahatid ang mensaheng:
“wag ka mag-alala, ako na ang bahala”,
dahil ang isang tunay na kaibigan, intensyon nyang sabihing :
“hayaan mo, tutulungan kita hanggang sa mawala yan..”
Nakita nyo ba ang pagkakaiba? Duon sa unang sentence, kung ating iisipin ng malalim, pinili na lamang nyang SIYA ang magbuhat ng problema natin para LANG MATAPOS NA..
Pero sa pangalawa, naipakita na handa syang tumulong sa kahit na anong paraan para mawala ang problema ng kaibigan kahit na anu pa mang consequence ang mangyari. Yan ang kaibigan.
“Making a hundred friends in a day is not a miracle; the miracle is to make a friend who stands by you for a hundred years.”
Maaaring marami nga tayong kaibigan, pero may isang taong laging nandyan para samahan ka sa lahat ng saya at lungkot, kahit na anupaman ang mangyari.
Hindi birong makahanap ng isang taong handa mong pagbigyan ng iyong tiwala. Tiwalang sa anumang lihim ang nababalot sa iyong pagkatao, maging problema man, karanasan, kasiyahan, takot at kalungkutan ay handa mong ibahagi sa taong ito ang malaking parte ng iyong pagkatao.
Dumarating sa panahon ng buhay ng tao na mapapahanap ka sa isang taong ito. Dahil habang dumaraan ang panahon ay dumarami rin ang hamon sa ating buhay. Kung may mga bagay man tayong kaya nating ma-overcome ng mag-isa, may mga bagay rin na kailangan natin ng isang taong handang tumabi sa iyo sa ulan man o araw. At sinuman ang taong ito’y tatawagin mong Matalik na Kaibigan.
Siya na makapagbibigay sa yo ng mga payo sa tuwing may problema ka.
Siya na handang magsakripisyo para sa ikasasaya mo.
Siyang nandyan para sumuporta sa lahat ng gagawin mong desisyon sa buhay.
Siya na magtatago ng lahat ng mga hinanakit at persepsyon mo sa buhay.
Siya na makakasama mo sa sayang nararamdaman mo.
At higit sa lahat, Siya na hindi kailanman aalis sa tabi mo, upang alagaan at palaguin ang “tunay” na IKAW, na hindi makakapagbago sa characteristics mo, bagkus makakapagpalago at mapalawak pa ang pagkilala mo sa iyong sarili.
Malaki ang papel na ginagampanan ng isang kaibigan sa ating pagkatao. Sila ang mga taong, isa sa mga rason kung bakit nabubuhay ka pa sa mundong ito.
Hayaan ninyong tapusin ko ang aking pagbabahagi sa isang magandang quotation na natanggap ko.
“Ang kahalagahan ng isang mabuting kaibigan, sa ating mga buhay ay tulad ng sa kahalagahan ng bawat tibok ng puso … Kahit na hindi nakikita, sila’y tahimik na sumusuporta sa ating mga buhay …”
_nix_
Wow!!!!!!! Ganda po. Thank you po idol. Pakuha po ng mga idea sa talumpati ko. Lalagyan ko po ng citation. :) thank you po. :)
ReplyDeletewow ganda po pakuha po ako ng some ideas sa inyo po para sa research ko lalagyan ko po ng citation :) maraming salamat po
ReplyDeleteyung buong pangalan po ninyo po kuya para ma sight ko po kayo at kailan na publish salamat po :)
DeleteAng galing po! Anlaki ng naitulong nito sa akin! Salamaaat!❤️
ReplyDeleteNice thank u po
ReplyDeleteππππ
ReplyDelete