Ash Wednesday ngayon diba? O nagsimba ka ba? Once a year lang naman to eh, kaya sana bigyan mo naman ng oras. Anyway, ang iseshare ko ngayon sa inyo ay ang homily ni Father kanina sa mass, hindi ko maalala yung pangalan nung pari pero basta sa Our Lady of Mt. Carmel Parish yun dito sa QC.
Bakit ash? Bakit putik pa daw ang kailangan ilagay sa noo ng mga tao?
May dalawang sinisimbolo daw ang Ash ayon kay Father:
Una, sabi nga sa isang famous Biblical line: ‘In Ash we are made of, and to it we shall return”, basta something like that. Diba ang ash ay black, na nagpapaalala satin ng lupang ating tinatapakan. Sa putik tayo ginawa ng Diyos, at dun din daw tayo babalik. Dapat mangibabaw ang pagkakapantay-pantay ng tao dahil pare-pareho lang tayong gawa sa putik.
Pangalawa, nirerepresent daw nito ang pagtanggap natin na tayo’y lagi na ring nadudungisan ng kasalanan. Lahat tayo’y may mga nagawang kasalanan, kaya naman sa pagpapalagay natin ng ash sa noo, ipinapakita lamang nito na tinatanggap natin ang ating pagkakasala at handa natin itong pagsisihan ngayong panahon ng Lent.
Eh ano nga ba ang Lent?
May tatlong bagay na BEST na magrerepresent sa Lent at ito ay Prayer, Alms-giving at Fasting.
Sa prayer, katulad ng ating mga ginagawa sa araw-araw, mas kailangan nating magmuni-muni at mas mahabang pakikipagusap kay God, at sa pamamagitan nito, mas maalala natin na walang nakahihigit at wala ring mas mababa sa atin sa paningin ng Diyos. Maiisip natin na pantay-pantay ang dignidad ng bawat isa sa atin, kaya wala dapat na nanglalamang sa kapwa.
Sa alms-giving naman, hindi lang ito basta pagbibigay ng barya sa mga nanglilimos, o kaya ay pagkain sa mga mahihirap. Ang tunay na meaning nito, ay paglalaan natin ng oras sa mga nangangailangan, tulad ng mga kaibigan natin na may problema, mga bilanggo na kailanma’y hindi na dinalaw ng pamilya nila, at marami pang iba.
Lastly, ang fasting daw ay hindi pagda-diet (tinamaan ako dito ah, hehe...), hindi ito tungkol sa hindi pagkain, o pagbabawas ng pagkain. Dapat may sacrifice, at magkakavalue lamang ang sacrifice kung yung pagkain na hindi mo ikakain, ay ibibigay mo na lang sa mas nangangailangan. Yan ang tunay na meaning ng fasting.
Sana nga ay makapagreflect tayo sa blog entry kong ito. Have a peaceful Lenten season everyone! God bless!
No comments:
Post a Comment