6:55am, February 23, 2010. Tuesday non. Eh 7am ang klase ko.
Nakasakay ako sa jeep galing Lardizabal papuntang Tayuman. Dumaan na sa Lacson Gate ang jeep kaya naman...
"MA, PARA!", sumigaw ako.
Nagmamadali akong bumaba ng jeep na sinasakyan ko. Naku 5 minutes na lang late na koooo. Di pwede to!
Agad namang tumabi ang jeep sa may kanan. Kaya bumaba na ako pati na rin ang mga co-Thomasian ko. (naks!).
Traffic nun, naka-GO ang stoplight pero hindi pa rin gumagalaw ang mga sasakyan. Kaya naman tumawid na din ako sa pagitan ng mga sasakyan. Bukod sa late na ko at nagmamadali, nagpapaka-gentleman na din naman ako na mauna para maguide tong mga kasama kong tatawid. Bait ko ba? Well, napasobra ata. Kasi look what happened next.
Bale ganto, ung jeep na binabaan ko nasa pinaka rightmost lane, nasa middle lane naman ang malaking truck, kaya hindi mo makikita kung may sasakyan sa leftmost lane.
Ako naman tong si tanga, nagmamadali lumakad. Hindi ko naman akalain na may sasakyan pang makakasingit dun sa leftmost lane dahil sa laki ng truck na nasa gitna. Aba biruin mo ba naman, may nakasingit pang Isuzu Crosswind dun. Kulay orange.
Muntik pa kong tumakbo, kasi akala ko naman mapapansin ako nung driver. Eh sa peripheral view ko, napansin ko na agad na wala atang balak mag-brake, kasi nabigla din sakin. Hindi nga naman nya makikita kung may tatawid dahil nga may nakaharang na truck sa gitna.
Buti na lang hindi ako tumuloy, dahil sigurado baka hindi nyo nababasa tong note na to, dahil tepok na ko. haha.
Buti na lang at nagkaron pa ko ng sapat na balanse para mabawi ko ung hakbang ko. Kaya naman.
*BANG!* Nabangga na ako ng sasakyan!
Tinamaan ung left leg ko.
"AWW!" siyempre napasigaw din ako.
Masakit ang paa ko, masakit ang binti ko. Hindi naman ako tumalsik pero napahawak agad ako sa left leg ko dahil nga masakit. T.T Sa maniwala kayo at sa hindi, iniisip kong panaginip lang yun, na hindi nangyayari to. T.T
Pero masakit talaga.
Masakit. T.T
Hanggang sa umandar na ang mga sasakyan. Kelangan ko nang umalis sa kinatatayuan ko. Umandar ang sasakyan na nakabangga sa kin. Dumungaw ung driver, pero hindi ko na maintindihan kung may sinabi sya. Masyadong masakit ang paa at binti ko para maintindihan ko pa un. Wala na rin akong panahon para ma-memorize pa yang plate number ng sasakyan na un. Kaya tumayo na ako at unti-unting naglakad sa mauupuan. Masakit kasi talaga. T.T
Tinulungan naman ako ng isang estudyante na makapunta sa pagitan ng kalye. Dun muna ako naupo sa may puno. Tumawag na sya ng tulong sa guard ng lacson gate. Agad naman lumapit at tumawag agad ng emergency sa UST Hospital.
May lumapit na ale sa kin, pinapagalitan ako, bigla daw kasi akong sumusulpot na lang eh naka-green ung stop light. BLAH BLAH. wala na ko gustong intindihin sa kanya kasi ang gusto ko lang ay mapunta sa ospital at macheck na kung anong lagay ng binti ko.
"Sorry po, kasalanan ko man o hindi, pero pwede po bang dalhin nyo na ko sa ospital at dun na natin to pag-usapan?". Naluluha luha na ko ng konti dahil sa sakit.
Dumating na ung isang guard din, may dala-dalang wheelchair. (i mean, pinapagulong pala. imaginin mo na lang kung dinala nya un, para san pa ung gulong diba? parang tanga lang haha). O eh di ako naman tong umupo.
Pinagulong na nila ako.
(i mean, ung wheelchair, pinagulong na nila. Alangan namang ako diba? haha naiimagin ko na naman).
Nakarating din kami sa Ospital, buti na lang nandun ang UST Hospital sa malapit sa Lacson Gate.
Inasikaso naman nila agad ako. Pinahiga sa kama. Hindi ako makatayo ng ayos. Masakit talaga. :( Pinapagalaw nung nurse ung left leg at left foot ko. Nagagalaw naman pero masakit. :(
"san po masakit?" sabi ni nurse.
"dito po." sabay turo sa left leg at paa ko. sasagutin ko pa sana na --- 'dito po o, sa puso ko, ang sakit sakit na!' haha magdadrama pa eh no?
Hanggang sa dumating ung doctor. Sabi nila, kelangan ko daw magpa-XRAY kasi para malaman kung nabali ung buto. o worse eh kung naputol ung buto. T.T
syempre, ako tong kinakabahan. habang naghihintay na papuntahin sa XRAY room. Pinatawagan na sakin nung ale ung parents ko daw. Ako naman tong, ayokong mag-alala ng sobra ang mga tao sa bahay.
Iniwan ko silang peaceful kanina dahil maaga pa, tapos tatawag ako dahil may bad news? Kaya nung tumawag ako, tita ko ang sumagot.
"Tita, si daddy? Pakausap naman", sabi ko, pinipilit kong hindi magboses na nasasaktan ako. Well masakit talaga. T.T
Sumagot na si daddy.
"Daddy, pwede ka po bang pumunta ngayon dito sa UST?" sabi ko ng mahinahon.
"O bakit? sige pero maya-maya lang ha." sabi nya naman.
"Daddy, emergency po ito eh, pwede pong ngayon na?" sabi ko na naman ng mahinahon.
"O ano nangyare?!"
"Basta po daddy, pumunta na lang po kayo dito sa emergency room sa UST Hospital."
"O sya sige sige, nandyan na ko."
O diba, mahinahon ko pang sinabi yan ha. Ang hindi ko alam eh, mas nag-alala pala sila lalo dahil hindi ko sinabi kong ano nangyare.
E pano nga naman daw kung nasaksak na ko o kung ano. (sabi ko naman, eh di sana habol-hininga na ko nun pagsasalita, haha).
Ayan na, dinala na ko sa XRAY room. pinapaderetso sakin ung leg ko. E leche, masakit ngang galawin diba? Tapos papaderetsuhin pa?! (Nescafe: Ang sakit kaya. TRY MOW!) Pero syempre, para daw matingnan talaga ng maayos. O eh di sige, ginawa ko naman kahit masakit.
Natapos ang XRAY, syempre alam ko na alam nung nag-XRAY kung ano itsura nung in-XRAY na bone.
"Kuya, ano? may bali ba?" kinakabahan ako.
"Doktor na ang magsasabi sayo nyan." sabi naman nya. Pero kita ko sa mukha nya na merong kakaiba eh.
Dinala na naman ako sa emergency room. Kinausap ako nung driver na nakabangga at ung ale. Kung ano-ano na ang pinagsasabi, pasensya daw at kung ano-ano. May halong 'wag-kasing-tatawid-kung-nakagreen-ang-light' at 'pasensya-na-at-naabala-ka-namin', pati na rin ung 'pati-kami-naabala-mo'. Aray naman ung pangatlo, so kasalanan ko pala talaga? as in ako lahat may kasalanan? Aba syempre siguro naman kahit papano, may mali din ung driver diba? Hmp.
Pero sinagot naman nila ang gastos. Dumating na din si Daddy. Medyo galit pero pinapahinahon ko, kasi ako tong medyo guilty, kasi ako tong nagmamagaling mauna tumawid, kaya ayan ang napapala ko. :P
Dumating pa sa point na gustong idemanda ni daddy ung driver. Kinausap ko muna sya.
"Daddy, ayoko ng gulo. Ayoko ng lumawak pa to. Gusto ko lang gumaling. Yun lang. Sapat na rin naman na binayaran nila ung gastos sa pagpapagamot nito eh." sabi ko.
(naks, pang MMK ang dating. Panalo! haha.)
Tumango na lang siya at humarap na ulit kay ale at manong na nakabangga.
"Kung tutuusin pwede ko talaga kayong idemanda, pero dahil sabi naman nitong anak ko, eh wag na daw kaya hindi na ko magdedemanda." sabi nya.
Nagpasalamat naman yung driver, kahit na may expression sya sa mukha na 'kung-tutuusin-yang-anak-mo-din-naman-ang-may-kasalanan'. Well di ko na lang pinansin.
Dumating na yung doktor. Sabi nya. *drumroll*
da-ra-rhum
da-ra-rhum
da-ra-rhummmmm.
May incomplete fracture daw ung leg ko. Kumbaga may crack, pero hindi natuluyang maputol. (maygad, di ko maimajin kung maputol ung bone ko! waaa). Nakahinga naman ako kahit konti. Whew.
Kakailanganin daw na lagyan ng semento ung paa ko. Kaya pinapabili na ng mga gamit.
After 30 minutes, dumating na yung doktor, hindi lang isa, kundi LIMA. Ganto expression ko, --- (o.O) Wow diba, limang doktor lang naman nagaasikaso sakin. Ang ganda pa nung isa. *blush*.
Kaso eto na, pinapababa ung pants ko. HAHAHA. Buti na lang kamo, may boxers naman ako. (nakakahiya, nakwento ko pa to) haha.
Sukat dito, sukat dyan. Parang ililibing na ung binti ko(sukat ng kabaong ba ito). haha. Pero napagdesisyunan na mula paa hanggang THIGH ako lalagyan ng semento. As in sa baba lang ng pwet ko. haha.
Ang lamig nung semento. Hanggang hita ba naman. Biruin mo yun, nakaderetso ang hita ko hanggang paa. haha. pano ako nito makakalakad? O ayan. nilagyan na ko ng semento. Dalawang doktor ang nagbubuhat ng hita ko (isa dito ung crush kong doctor. yie nakakahiya *blush*). Dalawa ang nagbabalot ng paa ko, at isa ang nakahawak sa paa ko. O diba, sobrang alaga nila.
Well, ang problema, pano ako maglalakad? kelangan ko ng crutches (saklay) malamang? kaya bumili si daddy sa Bambang. Dapat sasagutin na nung driver ulit eh. Pero umalis na si daddy para bilhan ako ng saklay.
Pagdating nya, nagtry na ko maglakad. Susko, limang hakbang pa lang, hirap na hirap na ko, as in pawisan na pawisan na ko. Grabe, ang hirap pala nito. T.T
After nun, pwede na daw akong lumabas ng hospital. Nagkausap at nagkasundo na rin naman si daddy at ung pamilya nung nakabangga. Basta contakan na lang daw hangga't hindi pa ko nakakalakad ulit. (so kung hindi pala ako makalakad, habang buhay na contakin ito ganon? haha)
Papasok pa ba ako? OO, nagdalawang isip pa ko kung papasok pa ko sa PM class ko. Ang adik ko no? haha. Pero sa huli, hindi na ko pumasok, kasi sobrang napagod na din ako sa mga nangyare.
Umuwi ako, nakita ako ng tita ko, nagulat sya. At kinuwento ko na lahat sa kanya. As usual sa bandang huli, sabi nya sakin. "Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo". Haaai, tonong pagalit pa yun ah. Kawawang bata, nabangga na nga, sermon pa din pag-uwi. Pero tinatanggap ko naman. Part-Tanga at Part-Hindi din naman ako. :)
Kinabukasan, nagulat ang lahat ng mga kaklase ko, ano daw nangyare sakin? Lolokohin ko pa sana, na nahulog lang ako sa kama. Hahaha. Leche. :))
Tinulungan nila ako sa bawat galaw ko, pinagdadala ng gamit, ikinukuha ng upuan kapag vacant, at inaalok ng food. Ang bait nila. :) Para akong prinsipe. haha. Ako naman tong, tatanggi muna, "hinde, kaya ko na, salamat" pero deep inside, sige pakidala nito, pakikuha non. LOL joke lang. :))
Naka-taxi kami ng daddy ko ARAW-ARAW. i mean pag weekdays. sosyal no? haha. nabutas ata ang bulsa ng daddy ko, kakukuha ng pera pambayad sa taxi. :( sorry daddy. sorry mama. :(
For 5 weeks, ganun lang ako. Tinatanggal ko ung semento para makasingaw ung paa ko. Makati din pala yun. Tinutulungan ako ng tita ko. Sya nag-aalis, sya din nagbabalik.
Naliligo ba ako kamo? OO naman. Pero may upuan. haha. nakashower ako habang nakaupo sa isang upuan.
Nakakapagbihis naman ako, pero sa tulong pa din ng tita ko. Ang masaya nito, libre ako sa lahat ng gawaing-bahay. haha. hindi ako naghuhugas ng pinggan, nagwawalis at kung ano-ano. Prinsipe nga eh. haha.
Trivia, alam nyo bang nakakasayaw at nakakatakbo pa ko gamit ang saklay. haha. seryoso, ang kulit ko non. :)))
3 weeks after ng accident, bumalik ako sa ospital, pero sinabing PUPUTULAN na daw.
Oo puputulan na!...
...Yung semento, haha. kayo talaga. puputulan daw hanggang binti na lang kasi kahit papano, nabawasan na daw ung CRACK sa buto ko.
2 weeks ulit at sa wakas natanggal na din ang semento ko. Tinry ko maglakad, medyo na-sakang daw ako. Kumbaga, ung kanan kung paa normal ang lakad, pero yung kaliwa ko, kumakaliwa daw pag naglalakad ako. HAHA. Lumiliko ng kanya. HAHAHA.
Pero nawala din daw, naging normal na ulit ako maglakad.
At thank God, nakalakad ako ulit. Laking papasalamat ko talaga sa Kanya. :)
Kaya ikaw na nagbabasa nito. Maging maingat ha, wag nang gagaya sa katangahan ko. :)
Salamat talaga Lord! Thank you talaga. :)
Pahabol: Kanina natapilok ako. Awts, kelangan talaga, may mangyare? haha.
No comments:
Post a Comment