Monday, May 30, 2011

15-minute Enrollment. >:D

Panahon na naman ng enrollment. Kadalasan pa naman sa mga eskwelahan eh inaabot ng ilang araw. Yung iba naman maghapong nakapila sa school. Yung iba pa, pinapabalik sa ibang araw. Nakakapagod diba? Pero normal na yan, lalo na sa mga College Students. ;)

Pero ibahin mo ang enrollment ko… dahil 15 minutes lang, tapos na ko! Bilis diba? Pano nangyare? Heto basahin mo. :)

Saturday, May 28, 2011

Atimonan Dictionary - mga salitang Atimonanin.

Ang lalawigan ng Quezon ay may sarili ring dayalek na ginagamit subalit hindi ito tulad ng ibang probinsya na halos walang hawig sa wika ng nasa National Capital Region. Kaya naman ang Quezon, tulad ng mga lalawigang kasama nito sa rehiyon tulad ng Cavite, Laguna, Batangas at Rizal ay mayroong malapit na relasyon pagdating sa lengguahe.


Palibhasa’y ang Quezon ang siyang nagsisilbing tulay sa Bicol Region at sa NCR, malaki ang naging epekto nito sa kinamulatang lengguahe ng lalawigan, kaya naman parang may halong Bicolano ang Tagalog ng ilang salita ng mga bayan dito. Isa sa mga bayang ito ang Atimonan. 

Narito ang ilang mga salitang hindi pangkaraniwan para sa karamihan at sadyang sa lugar na ito lamang at mga karatig-bayan nito lamang ang nakakaalam.

Friday, May 20, 2011

The lady in her black floral skirt.

These past days, lagi akong nasa Makati, specifically sa Pasong Tamo, pati na rin sa Buendia, because of my OJT in Wyeth Philippines. Pumapasok ako ng 7:30 AM at umuuwi ako ng 7:30 PM din. Araw-araw ganun, hanggang sa, one time sa pag-uwi ko, may na-meet ako, isang taong alam kong hindi ko na ulit makikita... mapwera na lang kung sadyain ng tadhana. Yie. Kilig. haha.

Ganto kasi ang nangyare, 7:30 sakto sa Bundy Clock, nag-out ako sa Wyeth. Sumakay na ko ng Jeep papunta sa PRC Buendia, dun kasi ako sasakay ng PVP Liner pabalik ng Sta. Mesa.

Eh di bumaba na ako sa Buendia Cor. Chino Roces (FYI pareho at iisa na po ang Chino Roces at Pasong Tamo ngayon). Habang naghihintay ako ng dadaan na PVP, nakita ko tong babaeng medyo chinita, maputi, medyo maliit pero cute, rosy lips, medyo curly hair, at baby face. In short, maganda sya. Parang Kim Chui. :) Akala ko pa nga, Chinese sya. Syempre ako, nahihiya din naman ako na matagal tumingin, baka sabihin manyak ako. >.< Nakapalda sya, corporate attire, pero floral ang palda nya, medyo mataas sa tuhod ang length kaya prone to accident ---> (para sa mga driver na ma-silawin sa legs, hahaha!) at black ang blouse nya. :) Maganda ang ayos nya, disente tingnan.

Sunday, May 15, 2011

Ginusto ko 'to kaya gagawin ko.

“Hindi naman kasi talaga required. Ako lang ang mapilit.”

Sa course kong Management Accounting sa UST, hindi talaga kasali ang On-the-Job Training o OJT sa curriculum namin. Ako lang tong nagpumilit na magkaron para maganda ang hatak ko sa trabaho sa future, at syempre para may magawa naman ako ngayong summer. Pag idle kasi ang utak ko, mahihirapan ako mag-aral next sem dahil wala akong ginawa ng summer. >.<

Nag-online application ako sa mga companies nung March pa. Tinry ko sa IBM, Citigroup, GXS, Metroglobal, BPI, Ayala Land, Odyssey, at kahit nga mga ospital tulad ng St. Luke’s at MakatiMed pinatulan ko pero ni isa sa mga yan walang tumawag sakin. Nagtry din ako mag-walk-in sa Robinsons Land, RCBC at sa DoE, pero kinuha lang nila ang Resume ko, tapos tatawagan na lang daw. Tapos grabe din pala sa San Miguel Corp., kelangan pa na may kakilala ka sa loob para mapapasok ka as OJT. Tsk tsk. In short, sayang pa ang porma kong corporate, tss. After ilang weeks...

Tuesday, May 03, 2011

My Lola Rocks. \m/

A Kewl Picture of Me and My Lola

This picture was taken last April 24, 2011 sa sala ng bahay namin sa Atimonan, Quezon.

Kwento saken ng parents ko, since 5 days young pa lang ako, dinala nako sa Pinas. Kelangan kasi ng parents ko magtrabaho abroad para mapag-aral kami. At simula noon, si lola na at ang tita at tito ko ang nag-alaga at nagpalaki sakin.

Ang lola kong to, sobra sobrang mapagmahal at thoughtful. 89 years old na sya pero sobrang pinagmamalaki at pinagpapasalamat ko na hanggang ngayon, healthy naman ang lola ko mentally. :) Though medyo mahina na rin, pero kung ikukumpara mo sa ibang octogenarian, MALAKAS ang lola ko.

Mula pagka-baby ko, hanggang sa mag-elementary at highschool ako, sya ang kasama ko.


  • Sya ang nagbibigay ng baon ko na 20php a day pag pumapasok ako sa school. 
  • Sya din ang nagtatahi ng mga damit ko dati, basta sya ang bahala. 
  • Sya din ang nagturo saking gumawa at tumulong sa mga gawaing-bahay. 
  • Sya din ang kumakalong (pinaphiga nya ko sa ibabaw nya habang nakaupo sya sa tumba-tumba) sakin dyan sa inuupuan nya dyan sa picture. :)
  • Pinapaliguan nya ko nung bata pa ako, at sya ang nagturo sakin na isawsaw ang daliri ko sa tubig na liliguin ko at mag-sign of the cross bago magbuhos. 
  • Ako ang isinasama nya sa simbahan para akayin at samahan sya sa pagma-Mother Butler Guild nya. Kaya sikat ako sa mga ka MBG nya. :D
  • Araw-araw (literal) nyang nire-recite ang Rosary. Lahat ng mysteries yun. Ganun sya ka-religious. Sa kanya ako nagmana. :)
  • Ako ang hilig nyang utusan na mag-grocery sa may amin, ako naman tong enjoy.
  • Ako din ang hilig nyang papuntahin sa bangko at pagdeposit ng pera nya.


at ang paborito ko sa lahat,
ay kapag nagkukwento sya tungkol sa buhay nya at pinagsasabihan ako ng mga inspirational words tungkol sa buhay. Hindi ko man yun maisa-isa sa inyo pero sigurado akong naipakita at nagamit ko na yun sa iba't ibang paraan. Masasabi kong malaking parte ng pagkatao ko ay dahil sa pagpapalaki nya. And I guess naman, sa mga nakakakilala sakin, masasabi nyo rin yun. :)

With her, during my 19th birthday! :)

Napakadami pang bagay na hindi ko makakalimutan sa kanya. :) 

Ngayong college days ko, bihira na lang kami magkita, kaya pag umuuwi ako ng probinsya ko, niyayakap at kini-kiss ko talaga sya sa sobrang miss ko. Pag nasa byahe ako o sino man sa aming pamilya, hindi sya natutulog hangga't hindi kami nakakarating dun sa bahay. Ganun sya mag-alala, at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nyang un.

Kulang ang blog na to, para masabi at maisigaw ko sa mundo, na mahal na mahal na mahal ko ang lola kong ito. <3

Hindi mo man mababasa to lola, pero MAHAL na MAHAL po kita at salamat po sa lahat. :D