Friday, May 20, 2011

The lady in her black floral skirt.

These past days, lagi akong nasa Makati, specifically sa Pasong Tamo, pati na rin sa Buendia, because of my OJT in Wyeth Philippines. Pumapasok ako ng 7:30 AM at umuuwi ako ng 7:30 PM din. Araw-araw ganun, hanggang sa, one time sa pag-uwi ko, may na-meet ako, isang taong alam kong hindi ko na ulit makikita... mapwera na lang kung sadyain ng tadhana. Yie. Kilig. haha.

Ganto kasi ang nangyare, 7:30 sakto sa Bundy Clock, nag-out ako sa Wyeth. Sumakay na ko ng Jeep papunta sa PRC Buendia, dun kasi ako sasakay ng PVP Liner pabalik ng Sta. Mesa.

Eh di bumaba na ako sa Buendia Cor. Chino Roces (FYI pareho at iisa na po ang Chino Roces at Pasong Tamo ngayon). Habang naghihintay ako ng dadaan na PVP, nakita ko tong babaeng medyo chinita, maputi, medyo maliit pero cute, rosy lips, medyo curly hair, at baby face. In short, maganda sya. Parang Kim Chui. :) Akala ko pa nga, Chinese sya. Syempre ako, nahihiya din naman ako na matagal tumingin, baka sabihin manyak ako. >.< Nakapalda sya, corporate attire, pero floral ang palda nya, medyo mataas sa tuhod ang length kaya prone to accident ---> (para sa mga driver na ma-silawin sa legs, hahaha!) at black ang blouse nya. :) Maganda ang ayos nya, disente tingnan.




Sa Buendia, kadalasan na dumadaan lang ay ang mga bus na byaheng LRT Taft blah blah. Bihirang bihira dumaan ang PVP, may interval na 15 - 30 minutes siguro. Lahat ng dumadaan na bus, tinatawag si Miss. "Sakay na Miss, tara!". Ayan kasi, nakapalda, kaya attractive sa mga konduktor, at talagang titigil ang bus sa harap nya. Syempre etong si Miss, snob. Walang balak sumakay.

5 meters ang layo nya sakin. Nakatalikod sya sakin, kaya hindi nya ko kita. ;) Nga pala, kung napanood nyo ung movie ni Aga at Angel na "In the name of Love", malamang alam nyo ung line na "Kapag lumingon ka, akin ka!." kaya ako tong feelingero, tinry ko din gawin ung sign na yun.

"Miss, kapag lumingon ka, akin ka..." bulong ko sa sarili ko.

Mga 10 seconds na pagkasabi ko nun, tumingin sya sa kanan, tapos sa kaliwa na parang naghahanap ng tatanungan. tapos sa kin. o.O

ONG GONDO NYA! <3 

Pero yung mukha nya, medyo nag-aalala na. hindi na sya nagdalawang isip pa. Sakin sya lumapit, at nagtanong.

"Kuya, pwede magtanong... (hindi nya na ko pinasagot, tuloy tuloy lang. haha) May sakayan ba dito pa-Divisoria?"

"Ha? Ahmmm." *tugsh tugsh sabi ng puso ko*

"Ah eh, ibig ko sabihin, pano pala po pumunta sa Buendia? Pupunta po kasi ako ng Taft eh."

*sabi ko, san ba talaga miss? haha*

"Naku miss, nasa Buendia na tayo. (nag-blush sya) Pero may nasasakyan dito papunta ng Taft. May jeep na dumadaan."

"Ahh ganun po ba, wala po kasi ako dito alam masyado eh. Tapos sa Taft po ba, may sakayan na pa-Divisoria?"

"(Mental Blocked, Stunned by her beauty) Ah oo ata, meron na ata dun."

"Ah salamat po, hmm, usually po kasi nagPPVP na bus ako pauwi eh, kaso po standing lagi, hindi na makaupo. At saka ngayon lang po ako ginabi eh."

"O talaga? Tamang-tama, PVP din hinihintay ko eh. pero alam mo miss, ganun talaga dun, lalo na pag gantong rush hour, mahirap talaga makaupo."

"ahh. sige po salamat. *smile*"

ang puti ng ngipin nya. Colgate commercial ba ito? 

Tumabi sya sa may likod ko, medyo parang nagtatago na din, kasi madami na tumitingin sa kanya. Ikli nga naman kasi ng palda nya. >.<

Nahihiya ako, natatameme, biruin mo, sabi ko lang "kapag lumingon", tapos ngayon nilingon, nilapitan, at kinausap pa ako nito. Whew. Sa dami ng taong nandun, ako napili nya eh ang layo nya sakin. <3

For 1 minute siguro, hindi kami ulit nag-usap. Naghihintay lang sya sa bus. 

After a minute na naman, ako na nagsalita.

"Ahmm, nag-OOJT ka rin?"

"Ah opo. Ikaw din po?"

"Oo, dun ako sa Wyeth."

"Ah ok po, may allowance po kayo?"

"oo, 100 per day"

"buti pa nga po sa inyo kuya, meron eh. Samin wala"

"hehe. ahm, san pala school mo?"

"UST po."

"*gulat na gulat* O TALAGA? Uste din ako! :D "

"ano po college nyo?"

"sa AMV ako, ikaw?"

Bago pa nya masagot, nakita na namin na malapit na yun bus.

"O ayan na yung bus. Sakay na tayo. Sana may magpaupo sayo." sabi ko.

"Sige po. Salamat :)"

Sumakay na kami. As expected, hanggang sa may hagdan ng bus, may mga nakatayo. Pero nakasingit pa din kami. Humawi ang daan nung dumaan sya. Pero nung susunod sana ako sa kanya. Leche, humarang na ang mga tao. Parang nilayo kami sa isa't isa amp! :| Hindi ko na sya makita, nasa may gitna na sya. Ako naman nasa may hagdan ng bus.

T.T

Ang dami na naming dialogue pero hindi ko man lang natanong ang pangalan nya. Ang tanging alam ko lang sa kanya, nag-oOJT sya, taga-UST sya, at sa may Divisoria ang way nya pauwi. Tapos wala na. Sana man lang kahit pangalan nalaman ko. Pero huli na ang lahat. Sobrang sikip na sa bus. Hindi na ko makalapit.

Bawat tigil ng bus, hinihiling ko na sana maraming bumaba, para mapalapit ako sa pwesto nya. Pero lalo lang akong nahihirapan makipagsiksikan sa tuwing tinatry ko. T.T

Haai, tamo nga naman. Para syang ung nasa "My Girlfriend is a Gumiho". Ang ganda nya. Chinese-Filipina ang ganda nya. Sayang lang, alam kong baka yun na ang una at huli naming pagkikita. Dumating ako sa bababaan ko, nilingon ko sya, hinanap ko, pero hindi sya nakatingin sakin. :( Sana mameet ko ulit sya sa UST.

Minsan talaga, sa crowd, may mga instances na may mamemeet tayong mga tao. Hindi natin maiiwasan na hangaan din sila, kahit na hindi pa natin sila lubos na kilala. Pero they just pass by, hanggang dun na lang yun. Siguro kumbaga, napadaan lang sila sa buhay mo, pero hindi mo na sila ulit makikita. Sandaling Kilig at Spark kumbaga. </3 Pero hanggang dun na lang yun. Bahala na si pareng Destiny kung magkikita ulit kami o hindi. :))

No comments:

Post a Comment