“Hindi naman kasi talaga required. Ako lang ang mapilit.”
Sa course kong Management Accounting sa UST, hindi talaga kasali ang On-the-Job Training o OJT sa curriculum namin. Ako lang tong nagpumilit na magkaron para maganda ang hatak ko sa trabaho sa future, at syempre para may magawa naman ako ngayong summer. Pag idle kasi ang utak ko, mahihirapan ako mag-aral next sem dahil wala akong ginawa ng summer. >.<
Nag-online application ako sa mga companies nung March pa. Tinry ko sa IBM, Citigroup, GXS, Metroglobal, BPI, Ayala Land, Odyssey, at kahit nga mga ospital tulad ng St. Luke’s at MakatiMed pinatulan ko pero ni isa sa mga yan walang tumawag sakin. Nagtry din ako mag-walk-in sa Robinsons Land, RCBC at sa DoE, pero kinuha lang nila ang Resume ko, tapos tatawagan na lang daw. Tapos grabe din pala sa San Miguel Corp., kelangan pa na may kakilala ka sa loob para mapapasok ka as OJT. Tsk tsk. In short, sayang pa ang porma kong corporate, tss. After ilang weeks...
wala pa ring tawag sa mga to. :|
wala pa ring tawag sa mga to. :|
Kalagitnaan ng April, nalaman ng tita ko na wala pa rin akong OJT eh mawawalan na ko ng oras para makatapos sa desired hours ko na 200. Kaya tinulung an nya ko, pinagpasa ako sa Wyeth Philippines, Inc. ng resume. Nagpasa naman ako, pero hindi ako umaasa tulad ng ibang kumpanya na inapplyan ko. :|
For 2 weeks, wala na ulit akong inapplyan, halos sumuko na ko, ayoko na nga sana kasi May na eh baka abutin na ko ng pasukan. Sabi ko pa, okay lang, hindi naman to required eh. Dumating ang katapusan ng April, nag-ring ang phone ko, aba Digits lang ang lumabas. Sa Wyeth daw sila, tinatanong kung interested pa din ako, syempre um-oo ako. Inischedule na ang interview ko nung Monday the next week.
Bumili pa ko ng bagong polo, kasi interview yun. Pumunta ako sa interview, 9am daw kasi, syempre ako tong pa-impress sa employer, 8:20 pa lang andun na ko. Naghintay ako ng naghintay, tapos dumating na ung HR. Kinuha ung mga papeles ko pero hintay lang daw ako ulit. Inuna nya muna ung job applicants bago ako. Grabe, inugatan na ako, 11.30AM na ko tinawag. Umabot ng 3 hours ang aking paghihintay.
Hindi pala interview ang inattendan ko, kundi briefing na, all this time tanggap na pala ako sa OJT at pede na daw ako magsimula that week. At least worth the wait pala ang nangyare. Hindi ko alam kung matutuwa ako nun, kasi May 2 na nun, hindi na aabot ang 200 hours dahil June 6 daw ang pasukan. Pero um-oo pa rin ako, sabi ko sa sarili ko, “ginusto ko 'to, kaya gagawin ko.”
Ewan ko ba, pag may isang bagay akong ginusto, gagawin at gagawin ko yun kahit na anong mangyare. Ganun nga ata ako. Kaya naman, nung araw na yun, masaya naman ako na magiging parte ako ng Wyeth Philippines, Inc. :D Kung kelangan ko mag-overtime gagawin ko, matapos ko lang ang OJT na to na ginusto ko.
Watch out for my sharing of experience sa pag-OOJT ko sa Wyeth. :) Ibang blog entry yun, mas mahaba siguro. :)
This is so like ze sweetest!
ReplyDelete