Monday, May 30, 2011

15-minute Enrollment. >:D

Panahon na naman ng enrollment. Kadalasan pa naman sa mga eskwelahan eh inaabot ng ilang araw. Yung iba naman maghapong nakapila sa school. Yung iba pa, pinapabalik sa ibang araw. Nakakapagod diba? Pero normal na yan, lalo na sa mga College Students. ;)

Pero ibahin mo ang enrollment ko… dahil 15 minutes lang, tapos na ko! Bilis diba? Pano nangyare? Heto basahin mo. :)


Nag-alarm ako sa radyo namin (oo, may alarm ang radyo namin, ang tunog ng alarm eh automatic radio agad kaya magigising ka talaga), nag-alarm din ako sa cellphone ko para just-in-case. 5:15AM ko inalarm. Nagising naman agad ako. Itinakbo ko pa nga sa labas ng kwarto ung alarm kasi hindi ko mapatay-patay eh baka magising yung mga kapatid ko. HAHAHA.  Takbo yun, as in literal! Hahaha.

Nagluto na din agad ako ng breakfast - Tender Juicy Hotdog syempre. Nam Nam! :D Naligo at nag-ready. Kumain muna ako kasama ang ate ko. Toothbrush tapos nagbihis na din ako. Kinakabahan pa nga ako na baka sikip na sakin ung uniform ko. Tumaba kasi ako (bagong balita pa ba to? Haha). >.< Hindi na rin ako sanay isuot to kasi 2 months din ako hindi nag-uniform. :)) Then, umalis na ko ng bahay ng mga 6:40 AM.

Dumating ako sa UST ng mga 7:15 AM. Akala ko konti pa lang ang tao dahil 8AM pa naman ang start ng enrollment. Pero hindi! Halos napuno na agad ng mga estudyante yung mga upuan sa kalahating part ng gym na pipilahan namin. Umupo naman agad ako sa dulo ng pila. Eto ang tinatawag na “FIRST WAITING AREA LEVEL”. Maghihintay ka dun bago papasukin sa susunod na hintayan. :D

Wala pa yung mga kaibigan ko. Hanggang dalawang upuan lang ang kaya kong i-reserve dahil nakakahiya naman kung maglagay ako ng sampung bag sa sampung upuan para lang ireserve sila lahat diba? :)) 20 minutes na ko nakaupo, wala pa din sila. Hanggang sa nagsimula ng papasukin ang mga nakapila. Yung 10 rows sa unahan ko pumasok na. Yung row na namin ang next. >.< wala pa din dumadating. WAAA!

Hanggang sa nakita ko na yung dalawa ko pang kaibigan, tinawag ko naman agad sila at pinasingit sa pinareserve kong upuan. Tumayo na rin kami agad at pumasok sa susunod na waiting area. Eto naman ang “SECOND WAITING AREA LEVEL” – dito naman, papasok ka na sa loob ng seminary premises at maghihintay ulit bago papasukin sa pinakang ENROLLMENT PROPER.

Pagpasok namin, wala pang guard na bantay sa Gate, umupo na kami sa mga upuan. Iniisip ko pa yung iba ko pang mga kaibigan na hindi pa rin dumadating kaya iniwan ko yung bag ko sa upuan ko at bumalik sa gate. Tinext ko naman agad sila na dumeretso na agad sa gate at huwag na pumila. Wala pa naman kasing bantay o Guard. HAHAHA. (Am-BAD ko! >.<). Sakto namang dumating na rin yung tatlo ko pang kaibigan. Sabi ko mag-patay-malisya na lang sila na kunware nag-CR lang sila at wag lilingon sa mga tao para di halata.  In short, hindi na sila pumila pa at walang kahirap-hirap nakalagpas agad sila sa FIRST WAITING AREA LEVEL.

Sakto namang pagbalik kami sa kinauupuan ko, eh pinapapasok na daw ang mga incoming 4th year students. Wala na kasi kaming P.E. at NSTP kaya deretso na agad sa Assessment of Fees. Kaya hindi na naman dumaan sa SECOND WAITING AREA LEVEL tong iba kong kaibigan. :D Saya diba? XD

Nagsimula na ang “ENROLLMENT PROPER”. (START THE CLOCK) Pumasok na kami sa SEMINARY GYM kung saan ginaganap ang lahat ng transaction with regards to enrollment. Malaki naman at enough ang space para sa mga estudyante. Airconditioned din naman kaya hindi ganun ka-hassle for students.  Madami ring tellers at assessors na nakapalibot sa buong gym para sa transactions.

Kokonti pa ang mga 4th year students kaya maikli pa ang pila sa Assessment of Fees. Sa station na to, ibibigay lang ang ID at tatanungin ka kung Cash or Check, at saka kung Full or Installment. Sabi ko naman agad na Cash and Installment ako. Pin-rint na yung Registration Form ko. 24 units lang pala ako ngayong sem.  

Pero pamatay ang schedule:

MWF – 5PM – 8PM
-          (Biruin mo magsisimula pa lang ng 5pm ang araw ko??!)
TTH – 3PM – 8PM
-          (Isa pa to, 3 hours straight accounting pa naman ung isa. :|)
SAT – 10AM – 8PM
-          (Lalo naman to, tinanggalan pa ko ng weekends. Tsk.)

Grabe lang. Yan ang isa sa hindi ko gusto eh, hindi kontrolado ng mga USTedyante ang mga schedule nila. Basta ibigay sayo, yun na yun. Tsk. Sabagay, sa dami ba naman ng mga estudyante dun, kelangan organized at sila ang may control nun para walang conflicts.

Mga 6 minutes din ako nagtagal sa Assessment of Fees.

Dumeretso naman agad ako sa gitnang part ng hall para magsulat sa Bank Copy ng breakdown ng ibabayad ko. Pagkatapos nun, dumeretso na agad ako sa Payment section. Hindi naman mahaba ang pila, mga 8 minutes din un. Tapos ako na. Konting blah. Bigay Pera. Print receipt. Pirma. Tapos na.

Tapos sa ID Sticker naman. Lumabas na kami sa hall, pumila dun sa mga estudyante na naglalagay nung sticker for this sem. Within 1 minute nalagyan na agad.Then VIOLA, tapos na! :D Bilis no?

Tapos na kaming anim na magkakaibigan na mag-enrol pero may ilan pa ding nasa biyahe pa. :| Nagpramis ako sa kanila na irereserve sila, kaya hinintay muna namin.

Tapos eto pa ang nangyare, tandaan nyo to:

THE PASSWORD is “KUKUHA LANG PO NG PRE-ENROLLMENT FORM.”

Tumatanghali na nun, medyo dumadami na ang mga tao kaya naman, nag-aalala na ko na baka hindi ko na maisingit ang mga kaibigan kong pahulihin. Haha.
Dumating na sila, at gaya kanina, sinabihan ko silang ang idahilan na lang sa guard eh:

“Nag-CR lang po ako.” Kabado pa sila nab aka hindi pumayag.
Kumagat naman agad ang guard na babae, kaya nakapasok agad tong kaibigan ko ng walang pila-pila. :))

Lumagpas man sila dun sa First Waiting Area Level pero marami na ulit tao dun sa Second Waiting Area Level. Akala ko pa nga papapasukin din naman kami tulad kanina dahil nga 4th year naman na kami. Pero hindi pa daw, dahil marami pang tao sa loob. Kaya PLAN B ang ginamit namin:
Pumunta kami dun sa Exit ng Hall. Kinausap ang guard at sinabihan na:

“KUYA, KUKUHA LANG PO KAMI NG PRE-ENROLLMENT FORM.”


Walang dalawang-isip si Kuya Guard, at itinuro agad kung saan makakakuha sa loob ng hall. Kinindatan ko naman agad yung mga kaibigan kong hindi pa nakakaenroll. Pumasok na kami sa EXIT. >:)) BWAHAHA. Nag-work ang Plan B ko! AHAHAHA. Walang pila-pila na naman! :D

Pagkapasok sa Hall, dumeretso na agad sila sa Assessment, tapos sa Payment, tapos sa ID Sticker. VIOLA! Tapos na din agad sila ilang minuto pa lang! HAHA.


Minsan talaga may ka-dugaan din akong taglay eh no? Minsan lang naman yan. Hahaha.


Haai, ilang beses na lang ako mag-eenroll ulit. Pero THANK GOD, 4th year na ko. Whew. Mamimiss ko maging estudyante. At isa tong experience na to sa magpapa-alala sakin sa enrollment procedure ng USTe. :D

No comments:

Post a Comment